Batang ‘Army’, ginawan ng BTS waiting area ng McDo dahil di siya pwedeng pumasok
- Nag-viral ang post ng isang ina na labis na naantig ang puso sa ginawa ng mga manager at crew ng McDonald's Pili CamSur para sa kanyang anak
- Nalungkot kasi ang bata nang hindi ito papasukin para siya mismo sana ang mag-order ng kanyang BTS meal
- Tila napansin ng mga manager ang lungkot sa mukha ng bata kaya naman naglabas sila ng mesa para gawin ang 'BTS themed' na waiting area
- Mababakas ang labis na kasiyahan sa mukha ng bata nang makapag-pictorial na ito sa ginawa ng McDonald's para sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mabilis na nag-viral ang post ng ina na si Faye Staana De Lima tungkol sa ginawa ng McDonald's Pili CamSur para sa kanyang anak na si Alliyah Zandra "AZ" De Lima.
Nalaman ng KAMI na bilang pagsunod pa rin sa safety protocols. hindi pinahintulutan na pumasok ng store si AZ para siya sana mismo ang bibili ng 'BTS meal' ng paborito niyang Korean boyband.
Kwento ni Mommy Faye, makikita ang labis na kalungkutan ng bata na todo bihis pa naman at suot ang ilang merch ng grupo na nagpasikat sa mga kantang "Dynamite" at "Butter."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Maging ang mga crew at manager ng store ay napansin ang pagkadismaya ng bata. Kaya naisipan nilang gumawa ng "BTS waiting area."
Nagtulong-tulong ang mga manager at crew na mag-set up ng mesa na may BTS meal at mga larawan ng miyembro ng sikat na grupo. Inilabas din nila ang lobo kaya naman nagmukha lalong enggrande ang waiting area para kay AZ.
Sa mga larawan ng bata sa waiting area, mababakas ang labis na kaligayahan nito.
Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng ina sa effort ng McDo para lamang mapasaya ang anak niyang isang "BTS army."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Noong Hunyo 16, dalawang araw bago ang launching ng BTS sa meal sa Pilipinas, una nang nakatanggap nito ang ating mga medical frontliners.
Isa namang delivery rider na masayang naghatid ng mga BTS meal ang natulungan ng mga 'Army' at nakalikom ng halagang Php45,000 bilang pasasalamat at appreciation nila sa ginawa ng rider sa launching ng BTS meal sa bansa.
Samantala, sa bansang Indonesia naman, nauwi sa pansamantalang pagsasara ang ilang branch ng McDonald's sa kanila dahil dinagsa at dinumog sila ng mga riders sa paglulunsad ng BTS meal sa kanilang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh