Video ng marriage proposal sa isang crew ng Jollibee, nagpakilig sa mga netizen

Video ng marriage proposal sa isang crew ng Jollibee, nagpakilig sa mga netizen

- Viral ngayon ang video ng isang Jollibee crew na sinurpresa ng kanyang nobyo sa mismong store

- Inakala ng marami na customer na oorder ang lalaki na may dala pa lang bouquet ng mga bulaklak

- Maya-maya pa'y itinaas na ng mga kasama nito ang karatulang may nakasulat ng "Will you marry me?"

- Yes naman daw ang natanggap ng lalaki ayon sa nag-upload ng nakakakilig na video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng maraming netizens ang TikTok video na ibinahagi ni Fatima Ghale Corsame (@fatimaghale) tungkol sa isang marriage proposal na naganap sa Jollibee.

Nalaman ng KAMI na inakala ng marami na customer ang nobyo ng crew at mag-oorder lamang ito.

Subalit kapansin-pansin na ang dala nitong bouquet ng mga bulaklak.

Video ng proposal sa isang crew ng Jollibee, nagpakilig sa mga netizen
Photo: Screengrab from Fatima Ghale Corsame's TikTok (@fatimaghale)
Source: UGC

Hindi nagtagal, inilabas na ng mga kasama ng nobyo ang karatula kung saan nakasulat ang "will you marry me".

Read also

Vlogger, humanga sa welder na isusurpresa ang anak na isang KPop fan

Pagbalik ng video sa lalaki, nakaluhod na ito hawak ang singsing habang nakaharap pa rin sa counter.

"Yung akala mo customer ang nakapila. Yay, may forever sa Jollibee. It's a YES!"

Mapapansin ding napapalakpak na rin maging ang mga delivery riders na naroon din sa loob ng Jollibee.

Umabot na sa mahigit 136,000 ang views ng nakakakilig na video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay naharap sa kontrobersiya ang Jollibee dahil sa umano'y reklamo ng isang customer kung saan 'fried towel' at hindi crispy fried chicken ang nai-deliver sa kanya.

Mabilis namang naglabas ng pahayag ang Jollibee kaugnay ng insidente. Napasara pangsamantala ang branch na sinasabing naghain ng 'fried towel' para umano sa re-training ng kanilang mga tao.

Gayunpaman, umani ng pagsuporta ang Jollibee mula sa mga ordinaryong tao hanggang sa mga kilalang personalidad na patuloy umanong tumatangkilik sa sikat na Pinoy fast food chain hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel