Mayor Abby Binay kaugnay sa viral vaccine video sa Makati: "It was human error"
- Naglabas na ng opisyal na pahayag si Makati Mayor Abby Binay kaugnay sa nag-viral na video na kuha sa isa sa mga vaccination site sa Lungsod
- Sa video makikitang naiturok lang ang karayom ngunit hindi ang mismong syringe
- Nilinaw ng alkalde na naturukang muli ang nasa video at sinabing "human error on the part of the volunteer nurse" ang nangyari
- Mismong ang nagpa-vaccine sa video ang nagsabing huwag nang tanggalin pa ang nurse sa viral video
- Umalma rin ang alkalde sa mga nagkakalat ng video at sinasabing baka nagbebenta umano ng bakuna ang nurse
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ilang oras lamang matapos na mag-viral ang video ng isang nagpabakuna sa Makati, agad na naglabas ng pahayag ang kanilang alkalde na si Mayor Abby Binay.
Nalaman ng KAMI na kitang-kita umano sa video na naiturok ang karayom ngunit hindi napindot mismo ang syringe na naglalaman ng panlaban sa COVID-19.
Sa pahayag ng alkalde, "human error" ang nangyari sa parte ng kanilang volunteer nurse.
"It was human error on the part of the volunteer nurse that was immediately corrected."
Sinabi rin ni Mayor Abby na agad na nabakunahan ang nasa video.
Mismong ito na rin ang nagsabi na huwag nang tanggalin pa sa serbisyo ang nurse at nauunawaan naman niya ang nangyari.
"We ask simply for the public’s understanding. Mahigit isang taon nang nagtratrabaho ang ating frontliners at sa totoo lang, napakahirap kumuha ng vaccinators ngayon."
Umalma rin ang alkalde sa ilang mga nagpapakalat ng video na may kaakibat pang pagbibintang na nagbebenta umano ng vaccine ang nurse na nakunan ng video.
"May nagbintang pa na nagbebenta siguro sya ng bakuna. Huwag naman pong ganyan, lalo na at wala naman kayong hawak na ebidensya."
Sinabi rin nitong volunteer nurses ang nasa kanilang vaccination sites na napapagod din na siyang nagiging dahilan ng isang pagkakamali ngunit agad naman umanong naitatama.
"Tao lang ang ating frontliners. Napapagod sila. Nagkakamali. Pero ang mahalaga, naayos agad ang pagkakamali. Humingi sya ng patawad, at sya naman ay pinatawad."
"Kaya request ko lang, move on na tayo at ituloy ang pagbabakuna. Para pa-back to normal na ang mga buhay natin."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahyag mula sa My Makati Facebook Page:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Mayor Mar-len Abigail "Abby" Sombillo Binay-Campos ay isang abogado at ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Makati mula noong 2016. Dati na siyang naglingkod sa kongreso bilang kinatawan ng 2nd district ng Makati. Si Mayor Abby ay anak ng dating alkalde rin ng lungsod at naging Bise Presidente ng Pilipinas na si Jejomar Binay.
Ngayong pandemya, isa si Mayora Abby sa mga agarang nagbigay ng cash aid sa bawat Makatizen sa kanilang lugar.
Isa rin si Mayor Abby sa mga nagpaabot ng tulong sa Marikina na noo'y nagbaha dahil sa Bagyong Ulysses.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh