Mister na inakalang hihiwalayan ng misis matapos ang Father's Day, kinagiliwan ng netizens
- Nag-viral ang post ng isang mister na inakalang hihiwalayan na siya ng kanyang misis
- Masaya pa naman daw silang nagdiwang ng 'Father's Day' nito lamang linggo at nakapag-picnic pa sila
- Kaya naman laking gulat ng mister na naka-empake na ang mga damit nila sa kanyang paggising
- Ipinaliwanag niyang 'laundry' day lamang pala at ang mister ang nakatoka kaya naman inihanda ng misis ang mga labahin nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang nakatutuwang post ni Henry Aurelius Cordenete sa pag-aakalang hihiwalayan na siya ng kanyang misis.
Nalaman ng KAMI na masaya pa umanong nagdiwang ang kanilang pamilya ng Father's Day nito lamang Linggo kaya laking pagtataka ni Henry kung bakit "hiwalayan" agad ang bumungad sa kanya.
"Ang saya-saya pa lang natin kahapon na nagcelebrate ng Father's Day, nagpicnic sa labas ng bahay, nagluto ng barbeque, chicharon bulaklak, crispy pata, at kung ano-ano pang masasarap na pagkain at mga prutas. Bakit mo naman ako binigla ngayong umaga ng hiwalayan?"
Nakuha pa nitong magdrama na matagal na panahon na umano silang nagsasama ng kanyang misis at masasabing masaya naman sila.
"Maraming taon na ang pinagsamahan natin sa hirap at ginhawa mommy Chizelle Barredo Cordenete."
Ngunit agad naman niya itong binawi at sinabing late na lamang siyang nagising at naalala niyang 'laundry day' nila ng araw na iyon.
Inilabas na lang ng kanyang misis ang kanilang mga maruruming damit kaya naman inakala niyang naka-empake ito.
Bigla rin niyang naalala na siya ang nakatokang maglaba at ang hiwalayang tinutukoy ay ang paghihiwalay ng mga puting damit sa de color.
"Sige kung yan ang gusto mo, di hiwalay kung hiwalay. Ihiwalay ko na ang puti sa de color.
"Naalala ko schedule ko nga pala maglaba ngayong araw. Sorry mommy Chizelle na late lang po ng gising."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Masasabing masuwerte ang mga misis na nagagawang tulungan ng kanilang mga mister maging sa gawaing bahay.
Minsan pa nga, sila ang naaasahan ng kanilang mga misis sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.
Tulad na lamang ni Tatay Rolando na minsan nang nag-viral nang mai-post ng isang nagmalasakit na netizen ang kwento nilang kanyang 18-anyos na anak na may cerebral palsy.
Si Tatay Rolando kasi ang matiyagang nagdadala sa anak sa ospital para sa therapy at check-up nito. Ilang grupo at indibidwal na rin ang nagpadala ng tulong sa kanila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh