Daddy Bonoy on raising Toni Gonzaga: "Mas nahirapan ako sa'yo kasi matigas ka nga e!"

Daddy Bonoy on raising Toni Gonzaga: "Mas nahirapan ako sa'yo kasi matigas ka nga e!"

- Sa pagdiriwang ng Father's Day, naging panauhin ni Toni Gonzaga ang kanyang ama na si Daddy Bonoy sa kanyang YouTube channel

- Naikwento nito ang mga 'di niya malilimutang pangyayari sa pagpapalaki sa dalawang babaeng anak

- Aminado ito na mas nahirapan siyang supilin si Toni gayung mas 'matigas' umano ito kaysa sa kapatid na si Alex

- Malaki naman ang pasasalamat ni Daddy Bonoy na maayos nilang napalaki ni Mommy Pinty ang kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Panauhin ni Toni Gonzaga sa kanyang "Toni Talks" ang ama na si Daddy Bonoy sa pagdiriwang ng Father's Day ngayon Hunyo 20.

Nalaman ng KAMI na nais talaga ni Daddy Bonoy ng mga lalaking anak kaya naman naging "Toni" at "Alex" ang palayaw ng dalawa.

Gayunpaman, walang pagsidlang ng kaligayahan nang makita na niya si Toni nang isilang ito. Aminadong nangilid ang kanyang luha sa unang kita pa lamang niya sa kanilang panganay ni Mommy Pinty.

Read also

Nag-viral na PWD na tindero ng walis, naghahakot ng buhangin para sa ipinatatayong tindahan

Daddy Bonoy on raising Toni Gonzaga: "Mas nahirapan ako sa'yo kasi matigas ka nga e!"
Daddy Bonoy, Mommy Pinty, Toni at Alex (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Subalit aminado rin si Daddy Bonoy na naging palaisipan sa kanya kung siya ba ay magiging epektibong ama sa pagpapalaki ng mga anak lalo pa at dalawang babae ang mga ito.

Lahat ng kanyang pagdududa sa sarili ay naibsan dahil laging niyang sinasamahan ng panalangin ang pagdidisiplina kina Toni at Alex.

Ngunit nabanggit din ni Daddy Bonoy na mas nahirapan siyang supilin si Toni dahil may pagka-matigas raw talaga ito na nakita na niya mula pa sa pagkabata nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, hindi niya napigilang maisip na maaring iwan sila ng mga anak sakaling sumikat ang mga ito. At hindi naman itong nangyari.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ni Daddy Bonoy na makitang maayos ang itinatakbo ng buhay nina Alex at Toni.

"Tingnan mo itong nangyari sa pamilya ko, masaya and hopefully in Jesus name e The Lord will keep us together"

Read also

Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo

Narito ang kabuuan ng panayam kay Daddy Bonoy mula sa Celestine Gonzaga-Soriano YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Kamakailan, sa pagdiriwang nila ng wedding anniversary, pinasalamatan ni Toni ang kanyang mister na si Paul Soriano na tumupad umano sa kanyang mga pangarap.

Naikwento rin ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga video. Dati, nais sana niyang tularan siya ng kapatid ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unti na niyang natatanggap na magkaiba talaga ang kanilang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel