Nag-viral na PWD na tindero ng walis, naghahakot ng buhangin para sa ipinatatayong tindahan
- Naabutan ng vlogger na si 'Virgelyncares' ang natulungan niyang PWD na si Jimmy Delos Santos
- Muli na naman kasi siyang pinahanga nito nang makita niyang naghahakot ito ng pang-sementong nakasako
- Ito pala ay para sa ipinagagawa niyang tindahan sa tulong na rin ni Virgelyn at ng mga OFW na nagpaabot ng tulong sa kanya
- Napagdesisyunan niyang mga inumin ng mga biyahero ang pangunahin niyang ilalako
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binalikan ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si 'Virgelyn' ng "Virgelyncares 2.0' ang bulag na naglalako ng walis tambo na si Jimmy Delos Santos.
Nalaman ng KAMI na naabutan niya itong naghahakot ng buhangin pang-semento na para pala sa ipinatatayo niyang tindahan.
Matatandaang sa unang pagkikita nina 'Virgelyn' at ni Jimmy, hiling nito na magkaroon ng sariling tirahan gayung gumuho ito.
Malaking bagay na tinutulungan siya ng kanyang mga kaanak na gumagawa ng walis tambo na kanyang inilalako.
Sa pagbalik ni Virgelyn, mas lalo siyang humanga kay Jimmy na matapang na binubuhat ang kalahating sako ng semento na may ilang metro rin ang layo mula sa pinatatayong tindahan.
Hiling sana ng PWD na gasolina ang ibenta ngunit nangamba naman si Virgelyn sa kaligtasan nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kaya naman mga inumin ng mga magdaraang biyahero ang ilalako ni Jimmy.
Sumama mismo ang PWD gayundin ang kanyang kaanak sa pamimili ng kanyang magiging paninda.
Bukod pa rito, binigyan pa rin siya ni Virgelyn ng Php5,000 at ilang sakong bigas na mapagsasaluhan nina Jimmy at mga kamag-anak na tinutuluyan niya.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube Channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan.
Isa sa mga nag-viral na natulungan ni Virgelyn ay ang dalagang si Clara Matos na hinangaan ng marami dahil sa kanyang kasipagan. Siya ang naghahanapbuhay para sa kanilang mag-ama dahil na-stroke na ito at iniwan naman sila ng kanyang ina.
Nakapagpatayo na siya ng tahanan dahil sa kanyang mga raket tulad ng online selling at paglalako noon ng merienda. May sarili na rin siyang tindahan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh