Pamilya na lakas-loob na namasyal sa main crater ng Taal, agad na naaresto

Pamilya na lakas-loob na namasyal sa main crater ng Taal, agad na naaresto

- Agad na inaresto ang isang pamilya na nagawa pang mamasyal sa bunganga mismo ng Bulkang Taal

- Hindi lamang isa kundi tatlong beses pa umano itong nakapag-Facebook Live nang makarating sa main crater

- Ito ang naging daan para mahuli at maaresto sila maging ang bangkero na naghatid sa kanila

- Nakakulong ang mag-asawa at bangkero habang ang mga pamangkin nilang kasama ay nasa pangangalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang mag-asawa na lakas-loob na nagpunta at namasyal sa main crater ng Bulkang Taal.

Nalaman ng KAMI na bukod sa mag-asawa kasama pa nila ang kanilang mga pamangkin sa pagbisita sa bulkan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, dumaan ng bayan ng Balete ang mga mag-asawa at tatlong menor de edad nilang mga pamangkin sakay ng maliit ng bangka.

Pamilya na lakas-loob na namasyal sa main crater ng Taal, agad na naaresto
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Hindi lamang isa, kundi tatlong beses pang nag-Facebook live ang mag-asawa dahilan para mahuli ang pagpuslit nila bunganga ng Taal.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Dahilan ng mag-asawa, sumaglit lamang sila sa Taal bago sila magtungo muli sa Italy. Sa Taal daw kasi ginanap ang kanilang prenup photoshoot noong 2017.

Mahaharap sa kasong disobedience ang mag-asawa gayundin ang bangkero na nagdala sa kanila sa lugar dahil sa paglabag nila pagpunta pa rin sa deklaradong prohibited protected area.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kasalukuyan nang nakakulong ang mag-asawa maging ang bangkero at nasa pangangalaga naman ng DSWD ang tatlo nilang menor de edad na mga pamangkin.

Bukod sa kanila, ilang mga vloggers din daw ang nangahas na pumunta malapit sa Taal upang may maibahaging video sa kanilang mga social media pages.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Foam Party sa Bohol, kitang-kita ang paglabag sa Covid-19 restrictions

Kamakailan ay itinaas na ng Phivolcs sa Alert level 2 ang Taal Volcano kung saan maaring magtuloy ito sa tuluyang pagsabog ayon sa mga eksperto.

Dahil dito, nakaalerto na ang mga barangay na malapit sa Taal sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na mga araw.

Pinalilikas na rin ang mga taong nakatira sa mga barangay na malapit mismo sa Taal upang makapaghanda na ang mga ito sa posibleng pagsabog lalo na sa pinakikita nitong pag-aalboroto.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica