Ref raid ng Beks Friends sa mansiyon ni Vice Ganda, viral
- Ibinahagi ng mga kaibigan ni Vice Ganda na kilala sa tawag na Beks Friends ang Ref Raid nila sa ref at pantry ng Unkabogable star
- Dahil malaki ang bahay ni Vice Ganda, tatlong refrigerator at dalawang pantry ang nasa kanyang bahay
- Sa tulong ng mga angels ni Vice Ganda na naisasama din sa kanilang vlog, inusisa nila ang mga nilalaman ng pantry at ref ng TV host
- Ibinahagi din ng kasambahay ni Vice ang mga pagkaing madalas na ipaluto ng kanilang ate Vice
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng mga kaibigan ni Vice Ganda na kilala sa tawag na Beks Friends ang Ref Raid nila sa ref at pantry ng Unkabogable star. Ang unang tiningnan nila ay ang chest freezer kung saan nakalagay ang mga frozen foods at mga karne.
Sa pangalawang ref naman ay makikita ang mga gulay at ibang mga tirang pagkain. May mga nakalagay din na mga fries at iba pang processed foods.
Makikita sa kanyang ikatlong ref ang mga prutas at inumin nina Vice at Ion.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.
Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.
Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.
Kasunod nito ay agad na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang patawan ng suspensiyon at pinagmulta ng talent agency na may hawak sa kanila.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh