Heart Evangelista, hiningian ng marriage advice ang kanyang ina

Heart Evangelista, hiningian ng marriage advice ang kanyang ina

- Inamin ng ina ni Heart Evangelista na si Cecilia Ongpauco na sa kasulukuyan ay single siya at masaya

- Hiningian siya ng maarriage advice ni Heart kaugnay sa kanyang marriage kay Governor Chiz Escudero

- Agad namang hinila ni Heart si Chiz at biniro pa ang asawa na yakapin nito ang kanyang ina

- Matatandaang naging usap-usapan noon ang pahayag ng ina ni Heart na kakasuhan nila si Chiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ni Heart Evangelista ang paghaharap ng kanyang inang si Cecilia Ongpauco at ng kanyang asawang si Governor Chiz Escudero sa kanyang bagong vlog.

Heart Evangelista, hiningian ng marriage advise ang kanyang ina
Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Matapos aminin ng mommy niya na masaya siya kahit single siya mula noong taong 2016, hiningian ni Heart ang ina ng kanyang payo para sa buhay nila ni Chiz bilang mag-asawa.

Aniya, dapat ay hinahayaan ang bawat isa na mag-grow at ito umano ang nakikita niya sa pagsasama nina Chiz at Heart na kanyang nagugustuhan.

Read also

Heart Evangelista, pinapagalitan noon ng kapatid dahil sa ugali pag nag-shopping

Agad hinila ni Heart ang asawa at sumali din ito sa usapan ng mag-iina.

Matatandaang hindi lingid sa publiko ang hidwaan sa mga magulang ni Heart at ng kanyang asawa na noong mga panahong iyon ay kasintahan niya pa lang. Mayroon pang pahayag noon ang mommy ni Heart na kakasuhan nila si Chiz.

Panuorin ang paghaharap ng magmanugang sa 11:20 na bahagi ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinasal si Heart Evangelista kay former Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Read also

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel