Heart Evangelista, pinapagalitan noon ng kapatid dahil sa ugali pag nag-shopping

Heart Evangelista, pinapagalitan noon ng kapatid dahil sa ugali pag nag-shopping

- Ibinuking na ina ni Heart Evangelista ang ugali umano ng aktres noon pag nag-shopping sila

- Itinatambak lang umano ni Heart ang kanyang nagugustuhang bagay sa counter at aalis na ito

- Pagkatapos bayaran ng kanyang ina ang mga napamili, ito rin umano ang magbibitbit ng mga iyon

- Kaya naman, nagagalit raw ang kapatid ni Heart na si Camille kapag ginagawa ito ni Heart at sinasabihan niya si Heart na bitbitin ang kanyang binili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang bihirang pagkakataon ay nakasama ni Heart Evangelista ang kanyang inang si Cecilia Ongpauco sa kanyang vlog. Kasama rin nila ang kapatid nitong si Camille Ongpauco na ipinakita ang kanyang pagluluto ng Crab Butter with Sardines Pasta.

Heart Evangelista, binuking ng ina niya tungkol sa ugali nito pag nag-shopping
Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Sa nasabing vlog, naikwento ng mommy ni Heart na ang mas responsable sa kanilang magkapatid ay si Camille at si Heart umano ay baby.

Read also

Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet

Pagbubuking pa ng mommy nila, kapag nag-shopping noon si Heart ay itinatambak lang nito ang lahat ng nagugustuhan sa counter at aalis na lang.

Matapos bayaran ng kanilang mommy ang mga napili ni Heart, siya din umano ang magbibitbit ng mga supot kaya nagagalit umano si Camille at pinagsasabihan si Heart na dalhin ang kanyang mg napamili.

Sagot naman ni Heart, hindi niya umano ito naalala. Gayunpaman, iginiit ng mommy niya na totoo iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinasal si Heart Evangelista kay former Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis

Read also

Marjorie Barretto, binahagi ang video ng graduation ng anak na si Leon

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel