Ilang gurong naghahatid ng modules, buwis-buhay na tumatawid sa ilog gamit ang salbabida
- Ibinahagi ng programang "Kapuso mo, Jessica Soho" ang kalagayan ng ilang guro sa Bukidnon na lakas-loob na tumatawid sa rumaragasang ilog
- Masasabing buwis-buhay ang kanilang ginagawa lalo na at madalas na malakas ang alon
- Gamit ang salbabida at ilang mga tumutulong sa kanila, matiyaga nilang binabaybay ang ilog makarating lamang sa paaralan
- Sa paaralan kasi sila mamamahagi ng mga modules na inaasahan linggo-linggo ng kanilang mga estudyante
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tampok sa programang Kapuso mo, Jessica Soho (KMJS) ang pinagdadaanan ng ilang mga guro sa Bukidnon sa paghahatid nila ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Nalaman ng KAMI na matiyagang tumatawid sa ilog ang mga guro gamit ang mga salbabida upang hindi sila maanod ng rumaragasang tubig.
Tanging ang pagtawid sa ilog ang kanilang paraan upang marating ang paaralan sa Barangay Panganan Kitaotao, Bukidnon.
Lingguhan kung pumunta ang mga guro sa paaralan kung saan sila mamamahagi ng modules na kukunin ng mga magulang ng kanilang mga estudyante.
Namimili na rin sila ng isang linggo nilang pagkain at iba pang kailangan habang nananatili sa paaralan.
Nagbabayad din sila ng Php250 para marating ang ilog kung saan salbabida naman ang kanilang gagamitin sa pagtawid.
Masasabing buwis-buhay ang kanilang ginagawa lalo na kung malakas ang alon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa video, mapapansin ang kanilang takot sa pagtawid lalo na at hindi nila kontrolado ang tubig.
Bukod pa rito, wala umanong kuryente ang paaralan at wala rin umanong signal. Ilan din ito sa mga bagay na kanilang tiniis makapaghatid lamang ng modules na inaasahan ng kanilang mga mag-aaral.
Sa tulong ng KMJS, nabigyan ang grupo ng mga guro ng mas maayos na lifeboats at life vest mula sa DRMM ng kanilang lugar.
Idinulog na rin nila ang hinaing ng pagkakaroon sana ng tulay sa lugar upang hindi na tumawid pa ng ilog ang mga guro at ang iba pang mga taong nais na makarating sa nsabing barangay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.
Katunayan, noon lamang nakaraang linggo, nagpakilig ito sa kanyang mga tagasubaybay nang matulungan nilang magkita ang mga magkababatang nag-viral at hinanap ang isa't isa.
Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh