Skusta Clee, ipinakita na si "Bia" sa kanyang music video na inilabas ngayong Father's Day

Skusta Clee, ipinakita na si "Bia" sa kanyang music video na inilabas ngayong Father's Day

- Ipinakita na ni Skusta Clee ang kanilang anak ni Zeinab Harake na si baby "Bia"

- Ito ay sa kanyang music video na "Lagi" na handog din niya para sa kanyang munting prinsesa

- Makikita rin sa naturang video ang pagiging hands-on dad ni Skusta na katuwang ni Zeinab sa pag-aalaga ng kanilang baby

- Pansin din ng maraming netizens ang saya sa pamilya ni Skusta ngayong kasama na nila si baby Bia na matagal na nilang pinakakaabangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-trending ang music video ni Skusta Clee sa bagong labas niyang awitin na "Lagi" dahil sa kauna-unahang pagkakataon, makailang beses na ipinakita si baby "Bia."

Nalaman ng KAMI na ang naturang awitin ay handog talaga ni Skusta para sa first baby nila ni Zeinab Harake.

Makikita sa video kung gaano ka-hands on dad si Skusta na talagang katuwang ni Zeinab sa pag-aalaga sa kanilang baby.

Read also

Newlyweds na todo hataw sa kanilang 'dance number', kinagiliwan ng netizens

Skusta Clee, ipinakita na si "Bia" sa kanyang music video na inilabas ngayong Father's Day
Photo: Skusta Clee (@extraordinaryl)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa video, ibang Skusta ang makikita ng publiko dahil madalas niyang karga si Baby Bia at nagtitimpla rin siya ng gatas nito.

Agad ding napansin ng mga netizens ang saya na dala ni Baby Bia kina Skusta at Zeinab lalo na at talagang pinakaabangan na nila ang pagsilang noon sa kanilang panganay na supling.

Pasok agad sa top 4 na trending video sa YouTube ang music video na ito ni Skusta Clee.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Skusta Clee o Daryl Jake Borja Ruiz ay isang Filipino rapper and singer na bahagi ng local hip-hop group na 'Ex Battalion'. Siya ang partner ng kilalang YouTuber na si Zeinab Harake at nabiyayaan na sila ng isang baby girl na si "Zebbiana" o "Bia" kung kanila itong tawagin.

Read also

Ama sa malaking portrait na likha ng anak, muling isusurpresa sa Father's Day

Emosyonal si Skusta nang ipakita niya ang video ng panganganak ni Zeinab sa kanilang first baby.

Sobrang excited kasi talaga ng mga first-time parents na talagang pinaghandaan ang pagdating ng kanilang munting prinsesa. Katunayan, pinagawan na nila talaga ito ng sariling kwarto na mismong sina Skusta at Zeinab ang namili ng mga gamit at disenyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel