Zeinab Harake, ipinakita ang "pang-prinsesa" na nursery room ng kanyang baby girl

Zeinab Harake, ipinakita ang "pang-prinsesa" na nursery room ng kanyang baby girl

- Ipinakita na ng vlogger na si Zeinab Harake ang napakagandang kwarto ng kanyang baby girl

- Nagpatulong siya sa kilalang Design consultant na si Elle Uy kaya naman elegante ang "pang-prinsesa" ang kwarto ng kanyang first baby

- Ang daddy naman ng kanyang baby na si Skusta Clee ang gumawa ng name design na makikita rin sa nursery room

- Kamakailan ay masaya nilang tiningnan ang kalagayan ng kanilang baby sa pamamagitan ng isang 3D ultrasound

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang super excited na ang YouTube vlogger at soon-to-be-mommy na si Zeinab Harake.

Nalaman ng KAMI na nakahanda na ang magiging kwarto ng kanyang first baby na tinatawag na nilang "Bia".

Sa kanyang bagong vlog na inilabas noong Marso 25, ipinakita na ni Zeinab ang napakagandang nursery room ng kanyang baby Bia.

Zeinab Harake, ipinakita ang "pang-prinsesa" na nursery room ng kanyang baby girl
Photo from Zeinab Harake
Source: Facebook

Ayon kay Zeinab, dati raw itong kwarto ng kapatid niyang si Rana. Ngunit dahil iyon ang pinakamalapit na kwarto sa kanila ng kanyang partner na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee, iyon na ang pinili nilang room para sa kanilang baby.

Read also

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

Mala-kwarto ng prinsesa ang kinalabasan ng nursery ni Baby Bia kaya naman tuwang-tuwa si Zeinab sa kinalabasan nito.

Tinulungan din siya ng kilalang design consultant sa bansa na si Elle Uy kaya naman talagang super elegante at talagang napakaganda ng room para kay "Bia."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Si Zeinab din ang pumili at bumili ng ilan sa mga kagamitan sa kwarto na halos lahat ay kulay pink bilang girl ang kanilang first baby.

Si Skusta Clee naman ang gumawa ng name design ni Bia na makikita sa customized wallpaper ng kwarto nito at super excited na rin siya sa paglabas ng kanilang baby.

Isa rin sa siniguro ni Zeinab ay ang safety ni Bia kaya siniguro niya na kilala na talaga nila ang makakatuwang niya sa pag-aalaga at magkakaroon din ng security cameras ang room nito.

Read also

Grade 5 student na buong tapang na pinuna ang isang aralin, hinangaan ng marami

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Noong Disyembre 2020, isinapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel