Mister na namatayan ng misis pagkasilang sa kanilang triplets, dinagsa ng tulong

Mister na namatayan ng misis pagkasilang sa kanilang triplets, dinagsa ng tulong

- Matapos mag-viral ang post ng isang ama na humihingi ng breastmilk para sa kanyang triplets na naulila na sa ina, dinagsa ito ng tulong

- Isa sa mga nagpaabot sa kanya ng tulong ay ang programa ng Unang Hirit

- Marami kasi ang bumilib sa huwarang ama na nakakayang alagaan at bigyang kalinga ang tatlong sanggol niyang babae

- Laking pasalamat din siya sa pamilya ng kanyang misis na matiyagang tumutulong sa pag-aalaga sa kanyang mga supling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga napakabuting ama na si Joel Orbello Regal. Matapos na mag-viral ang kanyang post sa paghingi ng tulong na mapadalhan ng breastmilk ang kanyang triplets, dinagsa na ito ng tulong.

Nalaman ng KAMI na pumanaw na ang misis ni Joel sa panganganak nito sa kanilang mga supling.

Aminado si Joel na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang biglaang pagkawala ng misis na sobrang excited na sana na makita ang triplets.

Read also

Lalaking may stage 5 Chronic Kidney Disease, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Mister na namatayan ng misis nang ipanganak ang kanilang triplets, dinagsa ng tulong
Ang pagbisita ni Love Añover ng Unang Hirit kina Joel sa kanyang triplets (Photo from Joel Orbello Regal)
Source: Facebook

Dahil dito, lakas loob nang humingi ng tulong si Joel sa pamamagitan ng social media para mapadalhan ng breastmilk ang kanyang mga anak.

Talagang nagugulat daw siya sa pagresponde ng mga taong nagmalasakit na bigyan sila ng breastmilk lalo na at ilan pa sa mga ito ay nagbibigay din ng mga diaper.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Isa rin sa mga tumulong kay Joel ay ang programa ng Unang Hirit. Dumayo pa talaga ng Paete ang GMA correspondent na si Love Añover upang personal na ihatid ang mga biyayang bigay nila kay Joel sa triplets nito.

Bukod sa stock ng gatas, dinalhan din nila ito ng mga iba pang gamit ng tatlong baby.

Sa pinakabagong post ni Joel, ibinahagi niya ang mga larawan ng natanggap nilang biyaya na labis niyang ipinagpapasalamat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Wedding organizer na nagtago sa loob ng gown ng bride, kinagiliwan ng netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong nakaraang taon, nag-viral din ang TikTok video ng isang buntis dahil sa hindi na umano ito nadugtungan. Pumanaw na kasi ang ginang sa panganganak.

Imbis na ang karugtong sana ng video ay magkasama na sila ng kanyang baby, sa kasamaang palad ay larawan na lamang niya ang kasama ng sanggol.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel