Wedding organizer na nagtago sa loob ng gown ng bride, kinagiliwan ng netizens

Wedding organizer na nagtago sa loob ng gown ng bride, kinagiliwan ng netizens

- Nag-viral ang video ng isang kasalan kung saan nakunan ng video na nakatago ang wedding organizer sa loob ng gown ng bride

- Sa umpisa aakalaing normal na wedding lamang nang biglang lumabas mula sa gown ang organizer

- Nagulat ang mga nakapanood ng video sa pangyayari na labis naman nilang kinagiliwan

- Umabot na sa 1.6 million ang views ng viral video na ibinahagi mismo ng wedding organizer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aliw na aliw ang mga netizens sa video na ibinahagi ng wedding organizer na si Roel Lunesa.

Marami kasing netizens ang nagulat sa tila 'plot twist' sa bridal march sa umpisa pa lamang ng kasalan.

Aakalaing ordinaryong outdoor wedding lamang ang nagaganap at kahanga-hanga pang nakisama ang panahon na siyang ikinaganda ng kasalan.

Wedding organizer na nagtago sa loob ng gown ng bride, kinagiliwan ng netizens
Photo from Lunesa Roel
Source: Facebook

Subalit bago pa tuluyang makarating ng altar ang bride, biglang may lumabas na lalaki mula sa kanyang gown.

Read also

Babaeng online gamer, ibinenta ang motor ng ama para sana makipagkita sa kanyang 'crush'

Napag-alaman na ang lalaki pala na ito ay ang wedding organizer na si Roel.

Paliwanag niya. kinailangan niyang hawakan ang gown dahil sa mahangin at nahihirapang maglakad ang bride.

Nalilipad ang gown kaya naman naisip ng organizer na pumasok pansamantala sa loob ng gown upang mituloy ang pinakaaabangang bridal march.

Labis na kinagiliwan ito ng netizens na humanga rin sa diskarte ng organizer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang kanilang mga komento:

"Ito talaga yung video na 'wait til the end e' hahahaha. Aliw!"
"In fairness sa diskarte ng organizer ah, at least natuloy ang pagmarch ng bride"
"Kaya pala parang kabado si bride, may tao sa loob pero keri naman nila at nakarating ng maayos sa altar ang bride"
"Haha, buti pumayag si bride pero ang galing ng naisip ng organizer ah"
"Sobrang nagulat ako sa 'plot twist' hahahahaha. O di ba? ganyan ang Pinoy maabilidad!"

Read also

Viral na dalaga sa TikTok at hinahanap niyang kababata, nagkita na dahil sa KMJS

Sa ngayon, mayroon nang 1.6 million views ang naturang video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng pandemya, marami pa rin ang hindi nagpaawat at itinutuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Kamakailan ay nag-viral din ang isang groom sa Indonesia kung saan muntik na umano itong maikasal sa ibang bride dahil sa maling direksyon na ibinigay gamit ang GPS.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas naman, hinangaan naman ang bride at groom na hindi na nagdalawang-isip na lumusong sa rumaragasang tubig upang makatawid at makarating sa venue ng kanilang kasal.

Dahil dito, maging ang mga bisita ay nakitawid na rin matuloy lamang ang pag-iisang dibdib ng mga ikakasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel