Kaanak ng curfew violator na pumanaw, tuluyan nang kinasuhan ang dalawang tanod

Kaanak ng curfew violator na pumanaw, tuluyan nang kinasuhan ang dalawang tanod

- Naglabas ng saloobin ang mga kaanak ng pumanaw na curfew violator sa Laguna

- Idinetalye rin nito ang mga kaganapan sa matapos mangyari ang umano'y pananakit ng mga tanod kay Ernanie Jimenez

- Maging ang dalawang saksi sa insidente at nagbigay ng detalye at itinuro ang mismong pinangyarihan ng umano'y habulan sa pagitan ng tanod at curfew violator

- Hiling ng pamilya na makamit nila ang hustisya sa pagkamatay ni Ernanie lalo na at nasampahan na nila ng kasong homicidé ang mga tanod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nakapanayam ng Raffy Tulfo in Action ang mga kaanak ng pumanaw na curfew violator na si Ernanie Jimenez.

Nalaman ng KAMI na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng kanyang pamilya ang biglaan nitong pagpanaw.

Matatandaang si Ernanie ay lumabag umano sa curfew noong muling naitaas ang enhanced community quarantine maging sa lugar nila sa Laguna.

Read also

Hiling ni Reymark Mariano na makapiling na muli ang ama, tinupad ng KMJS

Kaanak ng curfew violator na pumanaw, tuluyan nang kinasuhan ang 2 tanod
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sinasabing tumakas daw ito sa barangay nang kanila itong mahuli. Ang mga humabol na tanod kay Ernanie na sina Jomel Ortiz at Arjay Abiera ang itinutuong nanakit sa kanya na siyang naging sanhi umano ng pagkabagok ng kanyang ulo.

Kwento ng kinakasama ng biktima na si Ivory Evangelista, labis din umano silang nahirapan sa pagpapagamot kay Ernanie.

Sa kabila kasi ng kawalan nila ng hawak na pera para agad sanang ma-CT scan si Ernanie, panay pa umano ang tawag ng barangay na pilit na pinababalik umano ang ambulansya na ginamit para madala sa pagamutan ang biktima.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Inabot pa ng kinabukasan bago nila madala sa ibang ospital si Ernanie at doon pa lang ito na-CT scan.

Subalit, doon nakita na basag na ang bungo ni Ernanie at unti-unti na ring humihina ang puso nito. Hindi nagtagal, binawian na rin ito ng buhay.

Read also

80-anyos, pinangaralan ang piyanistang nakarelasyon at misis nito

Matatandaang ipina-lie detector test pa ni Raffy Tulfo ang dalawang tanod kung saan lumabas na nagsisinungaling ang mga ito sa kanilang pahayag na pagtanggi sa pananakit sa biktima.

Lumabas naman na "truthful" ang saksi na si Janet Delos Santos na naidetalye ang pangyayari at nakita mismo ang pagkabagok ng ulo ni Ernanie.

Tuluyan na ring sinampahan ng pamilya ni Ernanie ang dalawang tanod ng kasong homicidé kaya naman hiling nila na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng curfew violator.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Babaeng shoplifter umano sa isang cafe sa Benguet, nahuli sa akto

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica