Rabiya Mateo, ibinahaging gumagawa siya ng paraan para mahanap ang ama

Rabiya Mateo, ibinahaging gumagawa siya ng paraan para mahanap ang ama

- Habang nasa America si Rabiya Mateo ay gumagawa umano siya ng paraan para mahanap ang kanyang ama

- Umaasa siyang makikita niya ang amang nakasama niya noong maliit pa lamang siya

- Wala umano siyang sama ng loob sa kanyang ama dahil kahit iniwan sila nito ay walang masamang sinabi ang kanyang ina tungkol sa tatay niya

- Aniya, hindi na niya tatanungin ang ama sa kanyang naging dahilan sa pag-iwan sa kanila dahil lahat ng iyon ay nakaraan na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panayam ni Boy Abunda sa kanya, inamin ni Rabiya Mateo na hinahanap niya ang kanyang ama habang siya ay nasa America. May mga contact numbers na umano siya ng mga taong maaring may kaugnayan sa ama niya.

Kasalukuyang namamalagi si Rabiya sa America dahil gusto din umano niyang masulit ang kanyang first time sa US. Bukod dito ay goal niyang makita ang kanyang ama.

Read also

Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling tindahan na rin

Rabiya Mateo, ibinahaging gumagawa siya ng paraan para mahanap ang ama
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwuwento niyang isa siyang daddy's girl kahit saglit niya lang nakasama ang kanyang ama. Kahit iniwan sila nito ay wala umano siyang kinimkim na sama ng loob sa kanyang ama dahil na rin sa paraan ng pagpapalaki sa kanila ng kanyang ina.

Ni minsan ay walang masamang sinabi ang ina niya tungkol sa kanyang ama ayon kay Rabiya.

Naitanong din sa kanya ni Tito Boy kung tatanungin niya ito ng naging dahilan nito sa pag-iwan sa kanila. Ayon kay Rabiya, hindi na dahil ang lahat ng iyon ay nakaraan na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

Caffey Namindang, emosyonal na nagkwento tungkol sa kanyang sakit

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ibinahagi naman ng ina ni Rabiya ang mga katangiang mayroon ang anak. Hindi din nito napigilang magsalita laban sa mga bashers ng kanyang anak na kasalukuyang nasa America pa rin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel