Video ng lalaki sa "boxing station", kinagiliwan ng maraming netizens
- Mabilis na nag-viral ang makulit na video ng isang lalaki sa "boxing station" sa isang supermarket
- Animo'y nasa boxing training ang lalake na sa tapat ng "boxing station"
- Hindi nagtagal, makikitang agad siyang nilapitan ng lady guard at sinita sa kanyang ginagawa
- Umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens at umabot na rin sa 1.2 million ang views ng video
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagigiliwan ngayon online ang makulit na video ng isang lalaki na nasa "boxing station" ng isang supermarket.
Ibinahagi ito ng netizen ni Sherly Patchaligan-Nash at may caption na "masunurin kong kapatid."
Animo'y nasa isang boxing training ang lalaki na panay ang jab sa tapat ng "boxing station."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Hindi nagtagal, agad siyang nilapitan ng lady guard at mapapansing sinita ito sa kanyang ginagawa.
Hindi man narinig ang paliwanag ng lalaki, itinuro na lamang nito ang signage na "boxing station."
Mayroon nang 1.2 million views ang nakakatuwang video. Narito ang komento ng ilang netizens:
"Lakas trip ni kuya, oo nga naman boxing station nga naman 'yun"
"Haha, ang witty ni kuya. Boxing station nga naman kasi"
"Sobrang alert naman nung guard, pa-good vibes lang naman si Kuya e"
"Kahit hindi narinig, noong sinita ng guard yung lalaki, malamang sinabi niya na "Boxing station" po ito o! hehe"
"Ang kulit ni kuya, oo nga naman, boxing station 'yun walang basagan ng trip"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh