Isang ina, nawindang sa natuklasang pera matapos habulin ang isang daga

Isang ina, nawindang sa natuklasang pera matapos habulin ang isang daga

- Isang ina ang nagbahagi ng kanyang natuklasan matapos niyang habulin ang isang daga sa kanilang bahay

- Nang pa-ilawan nito ang isang bahagi ng kanilang pader para hanapin ang daga, nawindang siya sa kanyang nakita

- May mga pera na nakasiksik doon kung saan nagtago ang nasabing daga at mayroon pang tig-iisang libong nasira

- Inakala umano niyang hindi na siya marunong magbilang dahil laging kulang ang kaniyang pera kaya naman laking pasasalamat niyang nakita niya ang mga perang tinangay ng daga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral sa Facebook ang post ng netizen na si Sherryl Anlap Tayhopon. Ibinahagi niya ang kanyang natuklasan sa mismong pader nila. Nakasiksik doon ang mga perang papel na tinangay ng daga.

Ayon sa kanya, hinabol niya ang isang dagang kanyang nakita sa loob ng kanilang bahay. Sinundan niya ito hanggang sa pumasok ito sa isang bahagi ng kanilang pader at hindi niya na ito makita.

Read also

Mister na may stage 4 cancer, hands-on pa sa kanilang 'dream house' bago pumanaw

Isang ina, nawindang ang natuklasang pera matapos habulin ang isang daga
Sherryl Anlap Tayhopon (www.facebook.com/sherryl.anlap)
Source: Facebook

Kaya naman napagpasyahan niya pa-ilawan ang bahaging iyon ng kanilang pader at ikinawindang niya na maraming perang papel ang dinala doon ng nasabing daga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagtataka umano siya na kahit anong bilang niya ay laging nagkukulang ang pera niyang pambayad para sa pag-aaral ng kanyang mga anak kahit wala namang ibang tao sa kanilang bahay.

Mayroon pang perang nasira at umaasa si Sherryl na mapapalitan pa ito sa bangko.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Read also

Jeepney driver, napagtapos ng kolehiyo ang sarili sa isang unibersidad

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel