Pamilyang may 6 na anak, naghahati lang sa isang pirasong isda mula sa kapitbahay
- Marami ang nahabag sa kalagayan ng isang pamilya na araw-araw umano nakararanas ng gutom
- Pangangalakal lamang ng ama ang pinagkukunan nila ng pera pantustos sa araw-araw nilang mga pangangailangan
- Ang ina, matiyaga na lamang na pumipila sa mga feeding programa upang mairaos ang matinding gutom sa maghapon
- Aminadong masakit sa kalooban nilang makita ang kanilang mga anak na nagugutom ngunit wala na silang maipakain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Maraming netizens ang nadurog ang puso nang mapanood ang kalagayan ng pamilya ng mangangalakal na si Manuel Tausa sa Tondo, Manila.
Nalaman ng KAMI na siya lamang ang nagtataguyod sa kanyang pamilya kung saan anim ang kanyang mga anak.
Dahil sa pangangalakal lamang ang inaasahan nilang pagkukunan ng panggastos sa araw-araw, aminado siyang kinukulang talaga sila ng panggastos.
Ang kanyang misis, matiyaga na lamang na pumipila sa mga feeding program para lamang may maiuwing makakain ng kanilang mga anak.
"Halimbawa sa Php100, unang-una bigas muna, tapos itlog, bagoong, tuyo saka gulay"
Ipinapaliwanag na lamang daw niya sa kanyang mga anak na magtiis sa kanilang nakayanan at hindi naman tama na manguha na lamang para lang sila ay may makain.
"Hindi naman tayo pwede magnakaw, huhulihin tayo," dagdag pa ni Manuel.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kapag pinalad, nabibigyan sila ng nagmamalasakit na kapitbahay.
Minsang may nagbigay sa kanila ng isang piraso na pritong isda, pinauna na muna ni Manuel na kumain ang kanyang asawa at anak at ang matira na lamang ang siyang kakanin niya.
"Minsan po umiiyak mga anak ko kasi walang-wala talaga, Paano 'yung maliit ko maghahanap talaga 'yan," pahayag ng misis ni Manuel na si Rosemarie Tausa.
"Mama, wala ulam? sabihin ko wala talaga, tiis tayo," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa programang Stand For Truth ng GMA News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngayong pandemya, mas lalong naging mahirap ang dati nang naghihikahos na pamumuhay ng ating mga kababayan.
Marami ang nawalan ng hanapbuhay kaya naman marami ring mas maliliit na nangangalakal ang naapektuhan.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang ilan sa kanila, pawang mga breadwinner pa ng kani-kanilang pamilya kaya naman labis na nahihirapan at aminadong nakararanas ng gutom araw-araw.
Dahil dito, magsilbing aral nawa ito sa bawat isa sa atin at matutong ipagpasalamat ang kung ang mga biyayang ating natatanggap. Gawin din nating inspirasyon ang pagkakataong ito na magbigay ng kung anuman ang makayanan natin para sa iba na mas higit pang nangangailangan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh