Mga jeepney driver sa Tondo, lakas-loob nang namamalimos sa kalsada

Mga jeepney driver sa Tondo, lakas-loob nang namamalimos sa kalsada

- Namataan ang mga jeepney driver sa Tondo na namamalimos at humihingi na ng tulong sa kalsada

- Sa unang araw ng GCQ kung saan maari nang lumabas sinoman kahit walang quarantine pass, lakas loob nang humingi ng saklolo ang mga jeepney driver

- Naglabas din sila ng hinaing na sana'y payagan na silang mamasada upang may pangtustos na sila sa araw-araw

- Maging ang kanilang pamilya ay kumakalam na raw ang sikmura dahil sa halos tatlong buwan na silang walang kinikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkalat ang mga jeepney drivers sa Tondo, Manila sa unang araw ng general community quarantine na itinaas sa Metro Manila ngayon, Hunyo 1.

Nalaman ng KAMI na kaya nila ginagawa ito dala ng kawalan ng kita at wala na rin umano silang makain.

Sa panayam sa kanila ni Henry Atuelan ng DZMM, sinabi ng ilan na wala rin kasi silang natanggap na anumang ayuda kaya naman hirap na hirap silang itawid ang pang araw-araw nilang gastusin mula nang sila ay tumigil sa pamamasada.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hiling din nila na ngayong naka-GCQ na ang Metro Manila ay makabalik na sila sa pamamasada.

Gutom na rin daw at wala na rin silang maisustento sa kani-kanilang pamilya na sila lamang ang inaasahan.

Kaya naman gamit ang kanilang mga karatula, kanya-kanya sila ng diskarte pamamalimos sa sinoman ang magmamalasakit na bigyan sila ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maaalalang sa naunang ulat ng KAMI, nasa 30 jeepney driver naman sa Pasay ang pinagkasya ang ₱150 na kanila ring nalimos.

Naibili nila ito ng bigas at ulam na kanilang pinaghati-hati, malamnan lamang ang kanilang mga kumakalam na sikmura.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel