Reaksiyon ng mga Pinay beauty queens sa kanilang fans, kinaaliwan

Reaksiyon ng mga Pinay beauty queens sa kanilang fans, kinaaliwan

- Marami ang naaliw sa isang video kung saan makikita ang tatlong Pinay beauty queens na sinusuportahan ng kanilang fans na nasa audience

- Kabilang sa mga nasabing video ay sina Pia Wurtzbach, Maxine Meina at Rabiya Mateo

- Sa nasabing video, makikita si Rabiya na nagpapractice para sa kanilang production number nang mapansin niya ang kanyang fans

-Umani ng mga reaksiyon ang nasabing video dahil bukod sa pagiging supportive ng mga Pinoy fans, makikita din ang nakakaaliw na reaksiyon ng mga beauty queens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang video kung saan makikita ang ilang eksena na naganap sa oageant stage. Kinaaliwan ng mga netizens ang pagiging supportive ng mga Pinoy pageant fans at ang reaksiyon ng mga beauty queens sa kanilang fans.

Reaksiyon ng mga Pinay beauty queens sa kanilang fans, kinaaliwan
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

RK Bagatsing at Jane Oineza, lantaran na ang pagiging sweet sa isa't-isa

Kabilang si Pia Wurtzbah na makikitang sinasabihan ng kanyang fan na mag-iba ng pose. Kitang-kita din ang sagot nito sa kanila na "Bawal daw."

Si Maxine Medina naman ay natawa nang marinig niya ang kanyang tagasuporta na todo-sigaw na lumaban siya habang nakapila kasama ang iba pang kandidata.

Makikita naman sa nasabing video kung gaano ka dedicated si Rabiya Mateo na tila nagkabisado pa ng steps para sa kanilang sayaw. Pabiro din nitong pinakita sa kanyang tagasuporta ang umano'y "Haduken step" nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

Rabiya Mateo, kinaaliwan sa kanyang caption na "Lotlot and friends"

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang maging emosyonal si Rabiya habang humihingi ng dispensa matapos madismaya ng ilang Pinoy pageant fans kaugnay sa kanyang national costume.

Gayunpaman, matapos lumabas ang kwento sa likod ng kanyang sinuot na costume na nagtitimbang ng 21 kilos, hinangaan si Rabiya ng karamihan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel