RK Bagatsing at Jane Oineza, lantaran na ang pagiging sweet sa isa't-isa

RK Bagatsing at Jane Oineza, lantaran na ang pagiging sweet sa isa't-isa

- Tila handa na sina Jane Oineza at RK Bagatsing na isapubliko ang tungkol sa kanilang pag-iibigan

- Matapos nga ang post ni Jane kamakailan na kung saan tinukoy niya si RK bilang kanyang "source of happiness," isang TikTok video ang binahagi ni RK

- Makikita sa nasabing video na sumasayaw ang dalawa at may halikan pa sa umpisa ng video

- Dahil dito, kinilig ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta lalo at matagal nang napapabalita na magkarelasyon sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinilig nang todo ang mga RKane fans matapos ibahagi ni RK Bagatsing ang isang TikTok video kung saan kasama niya ang napapabalitang kasintahang si Jane Oineza.

Sa binahaging video ni RK sa Instagram, makikita silang dalawa na naghalikan bago ang kanilang pagpapakita ng kanilang dance moves.

RK Bagatsing at Jane Oineza, lantaran na ang pagiging sweet sa isa't-isa
Jane Oineza and RK Bagatsing (@janeoineza)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

Maging ang ilang mga artista ay kinilig at napa-reacct sa ibinahaging ito ni RK. Unti-unti nang isinasapubliko ng dalawa ang kanilang pag-iibigan ayon sa kanilang fans.

Matatandaang kamakailan lang, sa kaarawan ni RK, nag-post si Jane ng kanilang picture na magkasama at inilarawan si RK bilang "amazing person" at ang kanyang "source of happiness."

Ilang buwan na ring naging bali-balita ang tungkol sa umano'y relasyon ng dalawa ngunit nanatiling tahimik ang mga ito at wala din silang masyadong social media post na magkasama.

Kaya naman, tuwang-tuwa ang mga tagahanga nila na unti-unti nang nagiging bukas ang kanilang idolo sa publiko.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Elizabeth Jane Urbano Oineza ay isang aktres at endorser na nakilala sa pagiging cast ng Goin' Bulilit at Kung Fu Kids. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother. Kinilala ang husay ni Oineza sa pag-arte sa pelikulang Manika.

Read also

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nag-trending si Jane matapos niyang ibahagi ang tungkol sa kanyang bagong proyekto. Naging usap-usapan din ang tungkol sa balitang magkasama umano si Jane at RK sa Laguna getaway nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel