Jake Zyrus, nagalit at napamura sa nagkumpara sa kanya kay Charice Pempengco

Jake Zyrus, nagalit at napamura sa nagkumpara sa kanya kay Charice Pempengco

- Si Jake Zyrus ay naglabas ng bago niyang kanta na pinamagatang “Fix Me”

- Umani siya ng papuri pero may ilan na nagsabing nami-miss na nila si Charice Pempengco

- Inilabas ni Jake ang kanyang sama ng loob matapos mabasa ang mga nasabing posts

- Nagmura rin si Jake ng ilang beses dahil na-insulto siya sa mga posts na nagsasabing mas okay si Charice kaysa kay Jake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jake Zyrus ay gumawa ng ingay sa social media nang ilabas niya ang bago niyang kanta na pinamagatang “Fix Me.”

Jake Zyrus, nagalit at napamura sa nagkumpara sa kanya kay Charice Pempengco
Jake Zyrus (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

Maraming fans ang pumuri kay Jake pero may ilan na nagsabing nami-miss na nila si Charice Pempengco.

Nang mabasa ang mga posts na ikinukumpara siya kay Jake, inilabas ni Jake ang kanyang sama ng loob.

Napamura rin si Charice ng ilang beses dahil nababastusan siya sa mga posts na nagsasabing mas okay si Charice kaysa kay Jake.

Read also

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

"I don't care if you want to listen to my Charice songs all damn day or if you hear my Charice voice in my falsettos, because of course you dumbass MF, boses ko pa rin 'yon. Nag-transition lang.
"Sabi ko 'wag na patulan mga ganung tao kasi nagiging feeling na, pero hindi kasi bastos na talaga ang iba. Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman 'yon. Pero para ipangalandakan mo na 'Charice is coming back', and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo MF transphobia ass away from me.
"Feeling alam ang sinasabi. Patalino effect. Entitled.
"I've done some interviews where I'd say okay lang kahit sinasabi nilang nami-miss nila si Charice or sayang mga nangyari before and I'd just awkwardly smile and take it just because I wanted to please these MFs. Nakakalito na nga interviews ko para kahit papano 'di masyado problematic at medyo pasok pa rin sa 'nyetang standards ng karamihan.

Read also

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe

"I am not MF okay with this. Kasi the more na sinasabi kong 'Ah, oo, okay lang 'yun,' okay lang na nagkakamali silang tinatawag akong Charice or okay lang na tanggap nila ako as Jake pero mas gusto nila ako pre-transitioned, the more na nagiging kampante ang ignoranteng palaka na bastusin kung ano ang naging desisyon ko sa buhay ko.
"Lagi na lang ako nag-iisip kung anong sasabihin ko sa mga interviews para balance lang ang maisip ng mga tao at para 'di sila ma-trigger at sabihin na wala akong utang na loob or the 'kung 'di dahil sa amin or akin mentality'.
"Never again. Ilang beses na akong na-offend na hindi ako nagsasalita. Last na 'to. Tutal ke public or sa family or sa mga ex-friends ko eh mayabang at masama ang ugali ko, so be it.
"I know my MF heart. Bring it on.
"Hindi 'yung respeto sa nakaraan, bastusin ang kasalukuyan.

Read also

Eula Valdes, binigyang pugay ang mga delivery riders nang maranansang magmotorsiklo

"Ayusin mo opinyon mo. Ay, hindi pala opinyon 'yan. Insulto 'yan. Ignorante ka nga pala.
"Prepare ko sarili ko sa ibang sasabihing sila pa mabu-bully. LOL. Really tho, bless your hearts. Full of hate, convincing yourselves na tama ka just because sa mata ng tao normal ka? LUL. This goes out to some LGBTQ+ na bashers ko rin. Sa totoo lang tayo. 'Di talaga sa labels 'yan. Ugali ng tao talaga 'yan,” Jake said.
Jake Zyrus, nagalit at napamura sa nagkumpara sa kanya kay Charice Pempengco

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jake Zyrus ay isang transgender man na singer sa Pilipinas. Dati siyang kilala bilang si Charice Pempengco, isang female singer na sumikat lalo na nang mag-appear siya sa Glee at sa show ni Oprah Winfrey.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Jennica Garcia, nagbahagi ng payo tungkol sa pagtanggap sa pagbabago

Sa nakaraang report ng KAMI, nag-viral ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco. Ito ay dahil nireklamo si Raquel sa programa ni Raffy Tulfo ng kanya mismong ina.

Sa kabila ng kontrobersya, nagpatawaran muli sila Raquel at ang kanyang nanay. Tinanggap ni Raquel ang kanyang ina kahit inakusahan siya nito ng mapanirang mga alegasyon sa show ni Tulfo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel