Xian Gaza, pinabulaanang si AJ Raval ang kanyang source

Xian Gaza, pinabulaanang si AJ Raval ang kanyang source

- Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Xian Gaza na fake news ang pahayag ni Barbie Imperial kaugnay sa umano'y pagiging source ni AJ Raval sa mga nilalabas ni Xian

- Sa isang panayam sa YouTube show na The Best Talk ni Boy Abunda, inilabas ni Barbie ang kanyang saloobin kaugnay sa inilabas nitong mga isyu patungkol sa kanila ni Diego Loyzaga

- Nilinaw din ni Barbie na taping lamang ang video na nilabas ni Xian kung saan magkasama sina Diego at AJ

- Ayon kay Xian, sobrang nagalit umano si AJ sa kanya kaya minabuti na lang niyang huwag nang sagutin ang mensahe umano ni AJ

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panayam ni Boy Abunda sa aktres na si Barbie Imperial, nilinaw niyang alam niyang wala talagang namamagitan kina Diego Loyzaga na boyfriend niya at kay AJ Raval. Kaugnay ito sa mga inilabas kamakailan ni Xian Gaza na tungkol sa umano'y pagpunta ni Diego Loyzaga sa bahay nina AJ.

Read also

Barbie Imperial, sinabing kaibigan niya noon si AJ Raval

Xian Gaza, pinabulaanang si AJ Raval ang kanyang source
Picture from Christian Albert Gaza
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Xian Gaza na fake news ang pahayag ni Barbie Imperial kaugnay sa umano'y pagiging source ni AJ Raval sa mga nilalabas ni Xian. Ayon pa kay Xian, sobrang nagalit umano si AJ sa kanya kaya minabuti na lang niyang huwag nang sagutin ang mensahe umano ni AJ.

Barbie Imperial fake news ka, Sis. Ginawa mo pang source si Aj Raval hahaha! As a matter of fact, sobrang nagalit siya sa akin after ko i-post ang exposé pero sineenzone ko na lang para wala nang mahabang usapan pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi din ni Xian na tanging ang mga personalidad lang na nabanggit niya sa kanyang post na ito ang makakapag-komento sa kanyang post.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapagpiyansa at kasalukuyang nasa ibang bansa at mayroon nang sariling negosyo.

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

Ang pagtulong niya sa lalaking nahuling nagnakaw ng diaper ay umani ng reaksiyon mula sa mga netizens.

Muling naging laman ng balita si Xian dahil sa panibago niyang pakulo na billboard proposal para makasama sa isang dinner date si Jennie na miyembro ng K-pop group na Blackpink.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel