Raketerong may 6 na trabaho noon, matagumpay na negosyante na ngayon
- Kahanga-hanga ang ibinahaging kwento ng isang successful businessman na tinatamasa na ngayon ang tagumpay dala ng kanyang pagsisikap
- Bagaman at nakatapos ng kolehiyo, aminadong lagi pa rin silang kinakapos sa pang-araw araw na gastusin
- Kaya naman pinasok niya talaga ang nasa anim na trabaho noon para lamang maging maayos ang pamumuhay
- Hanggang sa naging isang matagumpay na siyang businessman na may sarili nang bahay at ari-arian na bunga ng kanyang sakripisyo, pagsusumikap at matinding pananampalataya sa Diyos
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang bumilib sa inspiring story ng businessman na si Ton Reario kung saan ibinahagi niya ang mga detalye kung paano niya nakamit ang tagumpay.
Nalaman ng KAMI na dinaan talaga ni Ton sa matinding pagsusumikap ang kanyang tinatamasang maginhawang pamumuhay ngayon.
Bagaman at nakapagtapos ng kolehiyo, aminadong madalas pa rin na kapusin sa mga gastusin nila sa pang-araw araw noon.
Dahil dito, mas lalo pa siyang nagsikap na kahit anim na trabaho ay pinasok niya nang sabay-sabay.
"I even worked ng sabay sabay for more than 6 companies all at the same time, (1. researcher 2. korean teacher 3. callcenter 4. events planner 5. emcee) while doing business on the side from 10am to 1AM just to fulfill my dreams."
Ang kanyang kasipagan ay sinamahan pa niya ng matinding pagdarasal para magabayan siya ng Panginoon at hindi naman siya nito binigo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Katunayan, makalipas lamang ang pitong taon, nagbunga na agad ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
"7 years after, hindi man ito Mansion. Pero malaki pa rin pasasalamat ko sa taas sa binigay nyang pagkakataon na magbago ang buhay ng aking pamilya."
Ngayon, kahit na may sarili na siyang bahay at ari-arian, patuloy pa rin siya sa pagsusumikap para pa rin sa kanyang pamilya at upang magsilbing inspirasyon sa iba na abutin din nila ang kanilang mga pangarap sa maayos at subok nang pamamaraan.
"Hindi na rin ako natakot sumubok ng opportunity outside of my comfort zone dahil naisip ko walang wala din nmn ako so anu pa ba ang mawawala. Ang payo ko lang , kung may pangarap ka tuparin at maniwala ka na makukuha mo rin ito. Laban lang kasi there is no overnight success."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayan ang nagbabahagi ng kani-kanilang mga kwento ng tagumpay upang magsilbing inspirasyon sa iba.
Karamihan sa mga ito ay ang mga kababayan nating OFW na sa kabila ng matinding sakripisyo sa pagkakawalay sa kanilang pamilya, nasusuklian naman nito ang ginhawa ng kanilang buhay.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.
Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh