Batang babae na nabigyan ng biskwit sa 1 community pantry, nagbigay ng malunggay

Batang babae na nabigyan ng biskwit sa 1 community pantry, nagbigay ng malunggay

- Maraming netizens sa Twitter ang natuwa sa isang batang babae na nagbigay ng malunggay sa isang community pantry

- Ito ay bilang kapalit daw sa natanggap nitong biskwit mula sa mga organizers doon

- Ayon sa uploader, tinanong pa raw nito kung maaari pa siyang magbigay ng malunggay

- Umani ng papuri at paghanga ang ginawang ito ng batang babae na sa murang edad ay handa nang magbigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa Twitter ang isang batang babae na nagbigay ng malunggay sa isang community pantry.

Ayon sa uploader na si @juneerubyjane, humingi raw ang batang babae ng biskwit mula sa kanilang community pantry.

Pagkatapos nitong magpasalamat ay umalis din daw ito agad. Ngunit ilang minuto lang ay muli na itong bumalik at nag-alok ng dala nitong malunggay.

Batang babae na nabigyan ng biskwit sa 1 community pantry, nagbigay ng malunggay
Photo: Little girl who gave malunggay to a community pantry (@juneerubyjane)
Source: Twitter

"Second day ng aming maliit na community pantry, this little girl passed by and asked for a biscuit. Binigyan naman namin siya, she said thank you, and left. After a couple of minutes, bumalik siya, tumatakbo, excited, nakangiti. May dala-dala na siyang malunggay!" ayon sa tweet ng netizen.

Read also

Bride, umurong sa kasal dahil sa kahinaan umano ng kanyang groom sa "Math"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maraming netizens ang pumuri at humanga sa ginawa ng batang babae na sa murang edad ay handa na agad magbigay para sa iba.

Ayon sa uploader, bumalik pa raw ang batang babae na nakilalang si Aya kinabukasan at nagtanong kung maaari pa itong magbigay ng malunggay.

Masaya rin daw ito sa mga papuri sa kanya ng netizens nang ipakita rito ang mga iyon.

"Bumalik po si Aya kanina. Tinanong niya kami kung pwede pa daw siya magbigay ng malunggay. Natuwa kami at sinabi naming syempre naman. Pinakita ko rin sa kanya yung mga sinabi niyo dito sa twitter. Napangiti at napasaya niyo po si Aya!! Salamat po!!!!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Babae sa Mali, nagluwal ng 9 na sanggol nang sabay-sabay

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isa namang lolo na dating pedicab driver ang hinangaan online dahil sa ginawa nito sa isang community pantry.

Viral din ang isang matandang babae na bigla na lang naiyak matapos makakuha ng ayuda mula sa isang community pantry. Matapos nito, napag-alamang may matindi pala itong pinagdaraanan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel