Bride, umurong sa kasal dahil sa kahinaan umano ng kanyang groom sa "Math"

Bride, umurong sa kasal dahil sa kahinaan umano ng kanyang groom sa "Math"

- Nag-viral ang sitwasyon ng isang bride na umurong sa kanyang kasal nang bumagsak sa Math test ang kanyang groom

- Bigla umanong nagtanong ang bride sa kanyang groom dala ng pagdududa niya sa educational background nito

- Ayon pa sa pinsan ng bride, inilihim daw umano ng pamilya ng lalaki na maaring hindi pa nga talaga ito nakapag-aral

- Dahil sa pangyayari, nagkasundo na lamang ang magkabilang pamilya na ibalik ang mga regalong naibigay nila sa bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nang dahil lamang sa isang simpleng "Math test", bigla na lamang umurong sa kasal ang isang bride sa Uttar Pradesh, India.

Nalaman ng KAMI na nagduda umano ang bride sa educational background ng kanyang groom kaya naman bigla niya itong natanong ng simpleng Math problem.

Ayon sa Inquirer, natuklasan ng bride na hindi manlang marunong mag-skip counting by 2 ang kanya sanang pakakasalan.

Read also

Babae sa Mali, nagluwal ng 9 na sanggol nang sabay-sabay

Bride, umurong sa kasal dahil sa kahinaan umano ng kanyang groom sa "Math"
Indian Bride ang Groom (Photo from Pixabay)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa ulat ng Tribune India, kinumpirmang isa pala itong arranged wedding. Sa kalagitnaan ng kasalan, tahasang sinabi ng bride na hindi na niya nais pakasalan ang groom na hindi marunong ng basics of Mathematics.

Ni isa sa mga kaibigan at kaanak ng bride ay hindi siya nakumbinsing ituloy ang seremonya.

Dagdag pa ng Asean Breaking News, tila inilihim talaga ng panig ng lalaki ang tungkol sa educational background nito.

Duda pa umano ng isang pinsan ng bride ay hindi kailanman nakapag-aral ang lalaki.

Dahil sa pangyayari, nagkasundo na lamang ang magkabilang pamilya na isauli ang mga naibigay nilang regalo sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang kwento ng isang groom na nakita lamang ang mukha ng kanyang bride matapos silang ikasal.

Read also

Nag-viral na construction worker na dumadalo ng online class, dinagsa ng tulong

Muslim kasi ang kanyang bride na madalas na nakasuot ng "niqaab". Makalipas lamang ng apat na taon, saka lamang niya nasilayan ang magandang mukha ng kanyang pinakasalan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naging usap-usapan din ang isang groom na muntik nang maikasal sa ibang bride dahil sa lokasyon na itinuro sa kanila ng GPS. Nagkataong may kasalan din sa venue, ngunit laking gulat nila na hindi nila kilala ang ibang mga bisita at iba ang bride na naroon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel