Vlogger, humanga sa tindero ng paso na nabigyan niya ng tulong

Vlogger, humanga sa tindero ng paso na nabigyan niya ng tulong

- Humanga ang isang vlogger sa naglalako ng paso na kanya lamang nadaanan at naabutan ng tulong

- Napansin ng vlogger at kanyang kasama ang maalikabok nang mga paa ng tindero na senyales daw na malayo-layo na ang nalakad nito

- Nagkunwaring bibili ng paso ang vlogger at doon niya nakausap ang masipag na tindero

- Nagulat na lamang ang vlogger nang malamang nakapagpatayo ng sariling bahay ang vendor dala ng ilang taon niyang pagsisikap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminadong bumilib ang vlogger na si Denso Tambyahero sa tindero na si Tatay "Billie" nang madaanan niya itong naglalakad, bitbit ang mga panindang paso at panglinis sa bahay.

Nalaman ng KAMI na mula Alabang ay naglalako ang 58-anyos na tindero at nag-aalok sa mga bahay-bahay na kanyang nadadaanan hanggang sa makauwi na ito sa Pasig City.

Read also

Ukay-ukay vendor na naloko ng pinagkukunan ng paninda, natulungan matapos mag-viral

Si Tatay Billie (Photo from Denso Tambyahero)
Si Tatay Billie (Photo from Denso Tambyahero)
Source: UGC

Napansin ni Denso at kanyang kasama ang tila maalikabok na mga paa ni Tatay Billie na nangangahulugan lamang daw na malayo-layo na ang nalakad nito.

"Ang taong marumi ang paa, masipag 'yan" pahayag ni Tatay Billie na masipag na itinataguyod ang asawa at ang kanyang tatlong mga anak.

Mas lalong humanga si Denso nang malamang may sariling bahay na ang tindero dala lamang ng kanyang matiyagang pagtitinda.

Kaya naman inabutan niya ito ng tulong pinansyal na makatutulong sa mga gastusin ng pamilya ni Tatay Billie lalo na ngayong panahon ng pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa kanyang pagpapasalamat, doon niya nabanggit na ang galante niyang mga customer ay iyong mga mahihirap kumpara sa mga nakaaangat sa buhay.

"Hindi tumatawad ang mahirap, 'yung medyo mayaman iyon pa yung makunat" paliwanag ni Tatay Billie.

Dahil dito, dinagdagan pa ni Denso ang kanyang naibigay na tulong sa tindero na sobra-sobra ang pasasalamat sa kanya.

Read also

17-anyos na raketera, nagpapatayo na ng bahay para sa kanilang mag-ama

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na Denso Tambyahero:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay.

Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nabigyan niya ng maagang pamasko ang isang unan vendor na naglalako mula probinsya ng Rizal hanggang sa Makati City nang naglalakad.

Gayundin ang isang ama na inabutan na ng ulan sa pangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang pamilya. Binigyan ni Denso ito ng bigas at perang panggastos sa mga susunod na araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica