Misis na 'emoji' lang ang reply sa mister dahil sa panonood ng Koreanovela, viral

Misis na 'emoji' lang ang reply sa mister dahil sa panonood ng Koreanovela, viral

- Kinagiliwan ng netizens ang post ng isang mister tungkol sa misis na 'di paistorbo sa panonood ng K-Drama

- Ipinakita ng mister ang convo nila ng kanyang misis kung saan emoji lang ang mga sagot nito

- Ngunit nang magbanggit na ang mister ng tungkol sa bike na nais niyang bilhin, nagreply naman ang misis nang hindi emoji

- Umabot sa mahigit na 4,000 ang mga postibong reaksyon sa post na mahigit 200 beses na rin na nai-share

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang mister na si Joselito Delos Reyes patungkol sa naging convo nila ng kanyang misis na si Angela.

Mapapansin kasing puro emoji lamang ang sagot ng misis na noo'y nanonood pala ng Koreanovela.

Nakailang tanong na ang mister ngunit kung hindi "thumbs up" ay "smiling face with smiling eyes" emoji ang sagot nito.

Read also

Online seller na may isang viewer lang sa live selling, nagbigay inspirasyon sa marami

Misis na 'emoji' lang ang reply sa mister dahil sa panonood ng Koreanovela, viral
Photo from Joselito D. Delos Reyes
Source: Facebook

Bago raw kasi ang pinapanood ng misis na KDrama kaya naman hindi ito matinag sa pagtutok sa bawat eksena.

Subalit nang magbanggit na ang mister patungkol sa bike na gusto nitong bilhin, hindi na emoji ang sinagot ng misis.

"'Wag kang uutang, bike na naman, puro bike na lang" ang naisagot ng misis na bigla marahil nai-pause ang pinapanood dahil sa mensahe ng mister.

Aliw na aliw ang mga netizens at umabot ng mahigit 4,000 ang mga positibong reaksyon nila sa post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:

"Winner ang kulitan nilang mag-asawa, iba talaga ang nagagawa ng KDrama"
"Hahaha, aliw tong mag-asawa na ito... ganyan dapat chill-chill lang"
"Bike lang pala katapat mo e, sasagot ka rin pala... ang kulit niyo po!"
"Magawa nga rin to sa mister kong makulit na alam namang busy ako sa mga Oppa e sumasali pa rin"

Read also

Ama, naiyak nang biglang dumating ang anak na tatlong buwang hindi nakauwi

"Salamat po sir, binigyan niyo po ako ng idea 'pag di ko maintindihan ang reply ni misis"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nag-viral din ang post ng delivery rider na tumulong na pagbatiin ang kanyang mag-jowang customer na nagkatampuhan sa pamamagitan ng note na inilagay nito sa kanyang delivery.

Taliwas namang ito sa nangyari sa isang delivery rider na nakalibre ng pagkain dahil sa hindi tinanggap ng sinusuyong babae ang padalang breakfast ng nakaalitan niyang nobyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel