Mga naitalang gumaling sa COVID-19, mahigit 70,000 sa loob lang ng isang araw
- Naitala ngayong Abril 18 ang bilang ng pinakamataas na recoveries sa loob lang ng isang araw
- Ito na ang maituturing na pinakamataas na bilang ng mga gumaling mula noong Abril 11 kung saan nakapagtala ng mahigit 55,000 na mga recoveries
- Dahil dito, bumaba na sa 141,089 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
- Mula noong Abril 12 hanggang katapusan ng buwan, sasailalim sa modified enhanced community quarantine ang NCR Plus na dalawang linggong sumailalim sa ECQ
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pag-asa ang hatid ng mataas na bilang ng recoveries ngayong araw Abril 18 dahil umabot ito sa bilang na 72,607.
Nalaman ng KAMI na ito na ang pinakamataas na bilang ng naitalang recoveries sa loob lamang ng isang araw mula nitong Abril 11 kung saan mahigit 55,000 naman ang mga gumaling.
Samantala, nakaaalarma pa rin ang bilang ng 10,098 na mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Maituturing pa ring mataas ito lalo na't mahigit isang buwan nang hindi bumababa sa 7,000 ang mga naitatalang bagong kaso araw-araw.
Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 936,133 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala, sa dumagdag na 10,098 na bagong kaso ngayong araw, 96.7% sa mga ito ay mild cases at 1.7% naman ang asymptomatic cases. 0.7% ang severe, 0.5% naman ang nasa kritikal na kondisyon at 0.43% ang nasa moderate condition.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil sa mataas na bilang ng naitalang recoveries ngayon, bumaba sa 141,089 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa kabila ng mataas na recoveries ngayong araw, mayroon pa ring 150 na naitalang pumanaw.
Mula pa noong ikalawang linggo ng Marso, hindi na bumaba sa 4,000 ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kada araw.
At dahil sa patuloy na pagtaas ng dumadagdag na kaso araw-araw, inilagay sa enhanced community quarantine ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal mula noong Marso 28.
Isang linggo lamang sana ang itatagal ng ECQ sa mga nasabing lugar kung saan nakapagtatala ng mataas na bilang ng COVID-19 ngunit na-extend pa ito hanggang Abril 11.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mula Abril 12 hanggang katapusan ng buwan ay sumasailalim na sa modified enhanced community quarantine ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
Sa pagpapatupad ng MECQ, tila naging malinaw naman na sa bawat isa ang pagpapatupad ng curfew mula alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang naging kontrobersyal ang ilang mga kaganapan sa pagde-deliver ng pagkain sa oras ng curfew na sinasabing nagbigay ng kalituhan sa marami.
Isa na rito ang "essential ang lugaw" na gumawa ng ingay sa social media. Ito matapos na kumalat ang naturang video ng tanod na binawalang mag-deliver ang delivery rider dahil sa hindi raw maituturing na essential ang lugaw kahit na ito ay isang pagkain.
Bukod dito, isang lalaking lumabag umano sa curfew hours ang nasawi dahil sa pagsasagawa umano ng nasa 300 push-ups bilang parusa sa paglabas ng bahay gayung lampas na ng alas sais noong ECQ.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh