Mga gumaling sa COVID-19, umabot sa mahigit 55,000 sa loob lang ng isang araw
- Naitala ngayong Abril 11 ang bilang ng pinakamataas na recoveries sa loob lang ng isang araw
- Ito na ang maituturing na pinakamataas na bilang ng mga gumaling mula noong Marso 21 kung saan nakapagtala ng mahigit 15,000 na mga recoveries
- Dahil dito, bumaba na sa 146, 519 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
- Mula Abril 12 hanggang katapusan ng buwan, sasailalim sa modified enhanced community quarantine ang NCR Plus na dalawang linggong naka-ECQ
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pag-asa ang hatid ng mataas na bilang ng recoveries ngayong araw Abril 11 dahil umabot ito sa bilang na 55,204
Nalaman ng KAMI na ito na ang pinakamataas na bilang ng naitalang recoveries sa loob lamang ng isang araw mula nitong Marso 21 kung saan mahigit 15,000 naman ang mga gumaling.
Samantala, nakaaalarma pa rin ang bilang ng 11,681 na mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Maituturing pa ring mataas ito lalo na halos isang buwan nang hindi bumababa sa 7,000 ang mga naitatalang bagong kaso araw-araw.
Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 864,868 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala, sa bilang na 11,681 ngayong araw, 96.8% sa mga ito ay mild cases at 1.7% naman ang asymptomatic cases. 0.6% ang severe, 0.5% naman ang nasa kritikal na kondisyon at 0.34% ang nasa moderate condition.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil sa mataas na bilang ng naitalang recoveries ngayon, bumaba sa 146, 519 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa kabila ng mataas na recoveries ngayong araw, mayroon pa ring 201 na naitalang pumanaw.
Mula pa noong ikalawang linggo ng Marso, hindi na bumaba sa 4,000 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kada araw.
At dahil sa patuloy na pagtaas ng dumadagdag na bagong kaso araw-araw, inilagay sa enhanced community quarantine ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal mula noong Marso 28.
Isang linggo lamang sana ang itatagal ng ECQ sa mga nasabing lugar kung saan nakapagtatala ng mataas na bilang ng COVID-19 ngunit na-extend pa ito hanggang Abril 11.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa pinakabagong update mula na ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mula Abril 12 hanggang katapusan ng buwan ay sasailalim na sa modified enhanced community quarantine ang NCR Plus gayundin ang Quirino Province, Abra, Santiago City sa Isabela.
Umaasa ang marami na sa pagpapatupad ng MECQ ay mas magiging malinaw na ang mga patakarang ilalabas lalo na kung magkakaroon pa rin ng curfew sa mga lugar na sasailalim dito.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang naging kontrobersyal ang ilang mga kaganapan sa pagde-deliver ng pagkain sa oras ng curfew na sinasabing nagbigay ng kalituhan sa marami.
Isa na rito ang "essential ang lugaw" na gumawa ng ingay sa social media. Ito matapos na kumalat ang naturang video ng tanod na binawalang mag-deliver ang delivery rider dahil sa hindi raw maituturing na essential ang lugaw kahit na ito ay isang pagkain.
Gayundin ang isang lalaking kukuha lamang ng kanyang pina-deliver na pagkain ngunit hinuli pa rin ng mga tanod ng kanilang barangay dahil sa may kalayuan na raw ang lalaki sa kanilang bahay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh