COVID-19 recoveries sa Pinas, pumalo sa mahigit 40,000 sa loob ng isang araw
- Naitala ngayong Abril 4 ang bilang ng pinakamataas na recoveries sa loob lang ng isang araw
- Ito na ang maituturing na pinakamataas na bilang ng mga gumaling mula pa noong Marso 21 kung saan mahigit 15,000 ang naka-recover
- 11,028 pa rin ang bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng virus na halos isang buwan nang hindi bumababa sa 4,500
- Noong Abril 2, naitala ang pinakamataas na bilang ng confirmed cases sa loob lang ng isang araw na umabot sa mahigit na 15,000
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pag-asa ang hatid ng mataas na bilang ng recoveries ngayong araw Abril 4 dahil umabot ito sa bilang na 41, 205.
Nalaman ng KAMI na ito na ang pinakamataas na bilang ng naitalang recoveries sa loob lamang ng isang araw mula pa noong Marso 21 kung saan mahigit 15,000 ang mga gumaling.
Samantala, nakaaalarma pa rin ang bilang ng 11,028 na mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nito lamang Abril 2, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa loob ng isang araw na umabot sa 15,310.
Ayon sa DOH, mayroon na ngayong 795,051 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala, sa bilang na 11,028 ngayong araw, 97.4 % sa mga ito ay mild cases at 1.0% mga asymptomatic. 0.6 % ang severe, at 0.6% naman ang nasa kritikal na kondisyon. May 0.36 namang moderate cases mula sa bilang na ito.
Sa ngayon, 135,526 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas, nang tawaging "NCR plus" ang Metro Manila at mga karatig lugar nito tulad ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.
Ngunit dahil sa hindi mapigilang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, inanunsyo na ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagsasailalim ng "NCR plus" sa enhanced community quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 4. Extended pa rin ito mula Abril 5 hanggang Abril 11.
Sinasabing ito ay upang maibsan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 at panatilihin muli sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nasa NCR Plus.
Sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus mayroon ding curfew na mula 6:00pm hanggang 5:00am.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersya tungkol sa pagpapatupad ng curfew na ito kung saan isang delivery rider ang 'di napalusot ng barangay personnel sa Bulacan dahil sa hindi raw essential good ang lugaw na order ng customer nito.
Nakarating ang viral video nito sa Malacañang at nilinaw din ni Roque na bilang isang pagkain ang lugaw, kasama ito sa essential goods na pinahihintulutang mag-operate at magbigay serbisyo kahit ang lugar ay nasa ilalim ng ECQ.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh