Lalaking nasa Php300,000 ang nanakaw, nakikain pa sa pinasok na bahay

Lalaking nasa Php300,000 ang nanakaw, nakikain pa sa pinasok na bahay

- Isang lalaking aali-aligid sa isang bahay sa Subic, Zambales ang sinasabing nagnakaw ng nasa Php300,000 na halaga ng mga alahas at gadget

- Binasag nito ang isang bahagi ng pintuan ng bahay na walang CCTV sa loob subalit nakunan ito ng CCTV sa labas

- Bukod sa mga mahahalagang gamit na nakuha maging ilang piraso ng damit, napag-alamang nakikain pa ang lalaki dahil sa mga nawalang pagkain sa mesa ng may bahay

- Pinaghahanap na ang salaring ito dahil hindi lamang pala isang bahay ang nabiktima nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki sa Subic, Zambales ang lakas-loob na nagnakaw sa isang bahay na ang tao ay nagkataong umalis para may asikasuhin.

Nalaman ng KAMI na nakunan pa umano ang lalaki ng CCTV na nasa labas ng bahay habang nagmamanman.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil ng GMA News, nakita na lamang ng may-ari nang sila'y bumalik ang binasag na bahagi ng pinto kung saan lumusot ang suspek. Walang CCTV sa loob ng bahay kaya naman hindi nakita ng mas malinaw ang mukha ng suspek.

Read also

Batang tila naglalambing pa sa inang pumanaw na, umantig sa puso ng netizens

Lalaking na na nasa Php300,000 ang nanakaw , nakikain pa sa pinasok na bahay
Photo from PxHere
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mga alahas at gadget ang nakuha ng lalaki na ang halaga ay aabot sa humigit-kumulang Php300,000.

Bukod pa sa mga nawala, laking gulat na lamang ng may-ari nang makitang wala rin ang mga pagkaing iniwan nila sa hapag-kainan.

Samantala, mayroon naman nang person of interest ang mga awtoridad lalo na at base sa inisyal na imbestigasyon, dalawang bahay na ang napagnakawan ng kawatang pinaghahanap na sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nito lamang Marso, ibinahagi ng vlogger na si Basel Manadil ang CCTV footage ng magnanakaw na nanloob sa isang branch ng kanyang restaurant.

Read also

Sapul sa CCTV! Health worker, patay matapos mabangga at makaladkad ng 1 tricycle

Dahil sa mga tattoo nito sa katawan na kitang-kitang sa mga footage, marami ang agad na nagpadala ng mensahe sa vlogger at sinabing maaring kilala nila ang suspek.

Agad nila itong ipinagbigay alam sa pulisya at siyang naging daan para mahuli agad ang salarin at hindi na muling maulit kaninoman ang panloloob.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel