Herlene 'Hipon' Budol, ipinakita ang mga karagdagang regalo ni Alex Gonzaga sa kanya

Herlene 'Hipon' Budol, ipinakita ang mga karagdagang regalo ni Alex Gonzaga sa kanya

- Matapos ang talaga namang pinag-usapang pag-prank ni Alex Gonzaga kay Herlene 'Hipon' Budol, ibinahagi ni Herlene ang kanyang pag-unbox ng mga binigay ni Alex sa kanya

- Matatandaang hindi napigilan ni Herlene na umiyak matapos siyang bilhan ni Alex ng mamahaling bag at sapatos

- Naiyak din ito uli nang kunyaring pagbayarin ni Alex ng malaking halaga para sa pinambili nito ng naturang sapatos at bag

- Abot-abot naman ang pasasalamat ni Herlene sa kanyang idol na bukod pala sa bag at sapatos ay may mga pahabol pang regalong ibinigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patok na patok sa mga netizens ang prank video ni Alex Gonzaga kay Herlene 'Hipon' Budol na kanyang binilhan ng mamahaling bag at sapatos.

Kinaaliwan ng mga netizens ang pag-iyak ni Herlene dahil sa sobrang tuwa gayundin ang pag-iyak nito matapos siyang paniwalaing kailangan niyang magbayad ng malaking halaga.

Read also

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, kumikita na sa sariling YT channel

Herlene 'Hipon' Budol, ipinakita ang mga karagdagang regalo ni Alex sa kanya
Herlene 'Hipon' Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi ni Herlene ang kanyang unboxing video kung saan ibinida niya ang mamahaling bag at sapatos na bigay sa kanya ni Alex.

Ipinakita din nito ang kabuuang binayad ni Alex para sa mga binigay niyang iyon at marami sa mga netizens ang nalula. Marami din ang natuwa para kay Herlene na deserving umano sa mga blessings dahil sa pagiging mapagmahal nito sa kanyang pamilya.

Bukod pala sa Gucci bag at shoes, may mga ibinigay pang ibang gamit si Alex na ipinakita din ni Herlene sa huling bahagi ng kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumikat si Herelene Budol sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programang Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naging usap-usapan ang mainit na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel