17-anyos na may "Sleeping Beauty Syndrome", muli na namang nakatulog at 'di pa nagigising
- Usap-usapan online ang kakaibang kondisyon ng isang dalaga sa Indonesia na mayroong "Sleeping Beauty syndrome"
- Ang dalaga, inaabot ng ilang araw o linggo na tulog kahit na wala naman itong iniindang karamdaman
- 2017 nang una siyang nakatulog ng matagal kung saan inabot ito ng 13 araw
- Ngayon, muli na namang nakatulog ang dalaga at hindi pa muling nagigising base sa kanyang ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena online ang kakaibang kondisyon ng 17-anyos mula sa Indonesia na si Siti Raisa Miranda o mas kilala bilang "Echa" kung saan nakakatulog siya sa loob ng ilang araw nang walang gisingan.
Nalaman ng KAMI na Kleine-Levin syndrome (KLS) ang medical condition na ito ni Echa o mas kilala sa tawag na "Sleeping Beauty Syndrome."
Tulad kasi ni Sleeping Beauty, talagang nakakatulog si Echa ng umaabot hindi lang ng ilang oras kundi araw o maging linggo.
Ayon sa PhilStar Life, normal sana ang buhay ng dalaga kung hindi dahil sa kanyang kondisyon.
Katunayan, mula nang magsimula ang online classes nito dahil sa pandemya ay aktibo pa rin si Echa sa pag-aaral.
Subalit nito lamang Sabado, Abril 10 nang muling makatulog si Echa at ilang araw na ang lumipas ay di pa rin ito nagigising.
Para sigurado, dinala pa rin si Echa ng kanyang ina sa ospital upang masuri kung may iba pa itong karamdaman.
Subalit dahil sa normal naman ang lahat base sa isinagawang test sa kanya, pinauwi na rin siya ng doktor, ay sa bahay na lamang siya pinatulog.
Kahit mahimbing ang tulog, pinapalitan pa rin si Echa ng damit, nililinisan, pinakakain at iginagalaw ang pwesto para masigurong magiging maayos pa rin ang pakiramdam nito kapag siya ay nagising na.
Taong 2017 nang unang makatulog ng matagal si Echa. Inabot ito ng 13 na araw bago siya ay magising na tila hindi alam ang nangyari.
Tinatayang nasa isa sa isang milyong indibidwal lamang ang tinatamaan ng ganitong uri ng kondisyon. Wala pa mang nakikitang lunas para rito, may gamot namang maaring inumin ang tulad ni Echa upang mabawasan ang madalas na pagkaantok.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahon ngayong hindi pa rin mapigil sa paglaganap ang COVID-19, napakahirap na magkaroon ng ibang karamdaman dahil sa hirap din na makahanap ng pagamutan na maaring tumanggap sa pasyente.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tulad na lamang dito sa Pilipinas kung saan napupuno na naman ang mga ospital, oras o araw ang inaabot bago matingnan ang pasyente kahit pa hindi COVID-19 ang kanyang iniinda.
Kaya masasabing maswerte pa rin si Echa na bagama't mas mahaba lamang ang panahong ginugugol niya sa pagtulog, normal naman ang lahat sa kanya at wala siyang anumang sakit.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh