Raffy Tima, nagpasalamat sa Kapamilya crew sa pagpapahiram nila ng ilaw

Raffy Tima, nagpasalamat sa Kapamilya crew sa pagpapahiram nila ng ilaw

- Agad na nag-viral sa social media ang post ng Kapuso news reporter na si Raffy Tima

- Pinasalamatan niya ang ilang Kapamilya crew na umano'y nagpahiram sa kanya ng ilaw

- Ito ay sa kabila ng matagal nang pagiging magkaribal na TV network ng ABS-CBN at ng GMA

- Umani naman ng magagandang komento ang ibinahaging ito ng news reporter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Good vibes ang dala ng Facebook post na ibinahagi ng GMA news reporter na si Raffy Tima sa kanyang social media account.

Pinasalamatan nito ang mga Kapamilya staff na nag-offer umano sa kanya ng ilaw.

Raffy Tima, nagpasalamat sa Kapamilya crew sa pagpapahiram nila ng ilaw
Raffy Tima
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala nang karagdagang impormasyon na ibinahagi ang reporter bukod sa isang selfie kung saan makikita ang ilang Kapamilya crew na nakatayo malapit sa cameraman at may hawan na ilaw.

Read also

Lalaking nahuli kasabay ni Darren Peñaredondo, sinabing pinag-exercise sila

Marami naman sa mga netizens ang nagalak dito dahil sa kabila ng matagal nang pagbabanggaan ng maituturing na dalawa sa pinakamalaking TV network sa bansa, hindi ito naging dahilan para hindi sila magtulungan.

Sana ganyan lagi ang mga media people, nagkakaisa di watak watak, nagdadamayan di nagbabangayan, nagbibigayan di nagmamaramot, sa mga kapwa media people.
Namimiss ko tuloy yung ganyang samahan. Although may professional rivalry, pero tulungan at damayan pagdating sa coverage. Kasi sa isa’t isa kayo nakasandal kahit ano mangyari. Sa tawanan, sa kainan, sa init, lamig, ulan, araw, bagyo, bulkan, baha, gyera, tulong tulong. Mabuhay kayo mga Dong!
Ganito dapat sa media nag tutulongan at nagkakaisa... kapuso, kapamilya o kapatid man dapat ganito lagi..

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Raffy Tima ay isang GMA news na nakilala nang magig main reporter siya noong 2000-2004 sa kidnapping na ginawa ng teroristang Abu Sayyaf sa southern Mindanao.

Read also

Pulis sa Cavite, itinanggi ang 300 push-up na parusa sa yumaong curfew violator

Kinasal siya sa kanyang kapwa GMA news reporter na si Mariz Umali noong December 8, 2012. Naganap ang kanyang proposal kay Umali noong January 1, 2012. Naging kasintahan niya ito ng dalawang taon bago naganap ang kanilang engagement.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang isa si Raffy Tima sa mga nakisimpatya sa hatol sa kasong isinampa sa CEO ng Rappler na si Maria Ressa. Naging usap-usapan din ang kanyang ibinahaging ID na ibinigay sa kanya na gagamitin para sa coverage niya ng SEA Gams na ginanap sa bansa noong 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel