Raffy Tima, tinag si Mariz Umali sa IG post tungkol sa ID niya sa SEA Games

Raffy Tima, tinag si Mariz Umali sa IG post tungkol sa ID niya sa SEA Games

-Ibinahagi ng GMA reporter na si Raffy Tima ang larawan ng kanyang ID para sa SEA Games

-Ngunit sa halip na "Raffy" ay "Mariz" ang nakalagay na first name nito sa ID

-Hindi tuloy nito naiwasang itag ang isa pang Kapuso reporter na si Mariz Umali

-Maging ang ilan sa mga kasamahan ng dalawa ay nag-react din sa nasabing post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinag ng GMA reporter na si Raffy Tima ang kanyang kasamahan sa trabaho at kapwa Kapuso na si Mariz Umali sa kanyang latest Instagram post.

Sa nasabing post, ibinahagi ni Tima ang larawan ng kanyang ID para sa 30th SEA Games na kasalukuyang ginaganap sa bansa.

Sa halip kasi na "Raffy" ay "Mariz" ang nakalagay na first name niya sa nasabing ID.

Hindi tuloy naiwasang magbiro ang batikang mamamahayag tungkol dito.

"Hello Phisgoc, kaninong ID po ito? Sa akin o kay @marizumali? Asking for a friend P.S. Sana po papasukin niyo pa rin kami para mag-cover," anito sa kanyang IG caption.

Maging ang ilan sa kanilang kasamahan sa trabaho at mga Kapuso hosts and reporters napa-react din.

"Irerepost ko talaga to!!" ayon kay @mav_gonzales.

"Palpak sobra," sabi naman ni @lynching7.

"Haha. Ang cute!" biro naman ni @nelsoncanlas.

Usap-usapan ngayon ang SEA Games matapos kabi-kabilang aberya ang naibalita.

Sa isang ulat ng KAMI, nag-trending ang hashtag kikiam sa Twitter matapos mag-complain ng Southeast Asian women's football teams sa agahan na inihain sa mga atleta.

Maraming Pinoy ang hindi natuwa sa mga nabalitang aberya sa SEA Games.

'Di tuloy maiwasan ng marami na isipin na baka hindi pa handa ang Pilipinas para mag-host ng ganito kalaking event.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel