Anne Curtis, pinasilip kung paano niya turuan si Baby Dahlia ng Tagalog

Anne Curtis, pinasilip kung paano niya turuan si Baby Dahlia ng Tagalog

- Hindi man masyadong aktibo sa showbiz dahil hindi pa nakakabalik sa 'It's Showtime', hindi nawawala sa mga balita si Anne Curtis

- Hindi nito kinakaligtaang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang kanyang buhay bilang mommy sa kanyang anak na si Dahlia

- Marami ang humanga kay Anne dahil kahit parehas silang English magsalita ng asawang si Erwann Heussaff, tinuturuan parin niya si Dahlia ng Tagalog

- Tila nakikinig at tutok na tutok naman si Dahlia habang nagtuturo ang kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi man matatas magsalita ng Tagalog ang mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff, tinuturuan pa rin nila ng wikang Tagalog ang kanilang anak na si Dahlia.

Sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ni Anne kung paano nya tinuturuan ang anak.

Anne Curtis, pinasilip kung paano niya turuan si Baby Dahlia
Anne Curtis
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alex at Toni Gonzaga, nilinaw ang tungkol sa blind item tungkol sa kanila

Gamit ang flashcard na may mga salitang Tagalog, ipinakita ni Anne kay Dahlia ang tamang pagbigkas ng mga pangalan ng mga nasa flashcards nila.

Marami naman ang natuwa at bumilib kay Anne dahil kahit hindi ganun kadali para sa kanya ang pagta-Tagalog, pinipilit nitong turuan ang anak.

Narito ang komento ng ilang netizens:

Ganyan talaga dapat. Kahit English ang salita sa bahay, turuan pa rin ng Tagalog ang anak lalo at nakatira sa Pilipinas. Para sa kanila iyon nang hindi mahirapan pag nag-aral na.
Kudos to Anne and Erwann. Pwede naman nilang hayaan lang na Englishera ang anak nila pero sinusubukan talaga nilang ipakilala kay Dahlia ang pagiging Pinay nya.
Ang cute nilang mag-ina! Ito talaga ang nakakatuwa na ang isang glamorous at dyosang si Anne Curtis, napakagaling palang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Read also

Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serrano

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, nitong Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak.

Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel