Netizen, nagmalasakit na humingi ng tulong para sa lolo na nagtitinda ng buchi
- Viral ang larawan ng isang lolo na nagtitinda ng buchi sa may Commonwealth Elementary School
- Ayon sa uploader, nakita niya ang lolo bandang tanghali sa kainitan at nakayuko habang naglalako ng buchi
- Naghihintay na lamang daw ito ng bibili sa kanya sa kabila ng matinding init ng araw
- Nilinaw ng uploader na 'di raw niya kayang pakyawin ang paninda ng lolo kaya naisip niyang humingi ng tulong para rito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang nakakadurog ng puso na larawan ng isang lolo na matiyagang naglalako pa rin ng buchi sa may Commonwealth elementary school.
Nalaman ng KAMI na ang larawan ay kuha ng nagmalasakit na netizen na si Angelica Ordoñez Montoya na nakakita sa tindero bandang tanghali noong Marso 15.
Ayon kay Angelica, tirik na tirik noon ang araw at nakayuko na lamang ang matanda habang naghihintay ng bibili sa kanyang paninda.
"Please pag nakikita nyo si tatay bili kayo ng buchi na paninda nya 25 pesos lang"
"Ang tagal ko na-stay sa gilid nya para makita kung may bumibili, nakakaiyak kase nakayuko nalang si tatay naghihintay kung may bibili," pahayag ni Angelica.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nilinaw din niyang hindi niya umano kayang pakyawin ang mga paninda ng lolo kaya naisipan niya na lamang na i-post ang kalagayan nito sa pagbabakasakaling mas marami ang mapagpapaabot ng tulong sa matanda.
"Hindi ako nag-post para sumikat, kung kaya ko lang bilhin lahat para makauwi na si tatay at hindi na gawin ang bagay nato, kaso hindi kaya sana pag nakita nyo si tatay kahit isa lang bili na kayo!" pakiusap ni Angelica.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang isa ring lolo na hirap nang maglakad dahil sa siya ay na-stroke ang matiyaga pa ring naglalako noon ng basahan para lamang may panggastos sa pang araw-araw.
Dahil sa nag-viral ang post, natulungan siya ng sikat at matulunging vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.
Nabigyan din ito ng sari-sari store ni Raffy Tulfo na nakapansin din sa viral post at nakakita sa kalagayan ng lolo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh