Raffy Tulfo, tinulungan ang mister at apat na anak nitong iniwan ng misis na sumama sa tomboy
- Isang netizen ang nagmalasakit na ihingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang mister na mayroong apat na mga anak
- Iniwan na kasi sila ng ina ng mga bata na sumama umano sa isang tomboy
- Nais na lamang na magkaroon ng maayos na tirahan ng ama para sa kanyang mga anak dahil sa kariton lamang sila sumisilong
- Bukod sa maayos na tirahan, bibigyan din ni Tulfo ng food cart business ang tindero
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na kalagayan ni Zaldy Magante at apat na mga anak nito.
Nalaman ng KAMI na sa tulong ng netizen na si Jamaica Rose Nebato, mabibigyang pansin ni Tulfo ang kalagayan ng mag-aama.
Kwento ni Zaldy, Pebrero 14 nang iwan na siyang tuluyan ng kanyang misis gayundin ang kanilang apat na mga anak.
Hindi raw nito lubos na akalain na ang tomboy na kanilang kaibigan at kasa-kasama sa sinisilungan ay mayroon na palang relasyon.
Hanggang sa tuluyan na nga silang layasan ng mga ito.
Dahil dito, matiyaga niyang isinasama ang mga anak sa paglalako niya ng asin araw-araw.
Subalit minsan, dala ng sobrang pagod sa pagtutulak ng kariton, hindi na rin siya nakakapaglako.
Dose anyos ang panganay niyang anak habang mayroon pa siyang siyam na buwang gulang na sanggol.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa kariton na may sirang tolda lamang sila tumutuloy kaya naman ito ang ang napansin agad ni Jamaica para maihingi ng tulong ang mag-aama.
Delikado ang lagay ng mga ito lalo na kapag umulan at mayroon pa silang alagang sanggol.
Nang malaman ni Tulfo ang kalagayan na ito ng mag-aama, agad na pinahahanapan niya sa kanyang staff ang mga ito ng mas maayos na matitirahan.
Sagot na rin ni Tulfo ang anim na buwang renta ng mag-aama. At habang naghahanap ng bahay, magche-check in muna sina Zaldy at kanyang mga anak sa hotel kung saan sagot din ni Tulfo ang kanilang pagkain habang sila ay tumutuloy doon.
At para hindi na rin mahirapan si Zaldy sa paglalako ng asin, food cart business na ang ibibigay ni Tulfo sa kanya upang hindi na ito mapagod sa pag-iikot habang nagtitinda at masusubaybayan pa niya ang kanyang mga anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa paglalako dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Nagkaroon ito ng sariling food cart business mula kay Tulfo.
Gayundin ang isang batang nakaligtas nga sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito. Patuloy na sinusuportahan ni Tulfo ang gamutan ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh