Pia Wurtzbach, dinaan sa hashtags ang bwelta sa mga nagsabing copycat siya

Pia Wurtzbach, dinaan sa hashtags ang bwelta sa mga nagsabing copycat siya

- Isang netizen ang nagbahagi ng litrato ni Pia Wurtzbach na suot ang kanyang iconic na blue gown noong kinoronahan siyang Miss Universe 2015

- Katabi nito ay isang America actress na nakasuot din ng blue na gown na kahawig ng suot ni Pia

- Base sa mga komento sa nasabing Instagram post, karamihan sa pangbabatikos kay Pia ay nasa salitang Indonesian

- Sinagot naman ni Pia ang akusasyong copycat siya sa pamamagitan ng hashtags na lalong ikinainis ng ilang mga bashers niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Pia Wurtzbach ang isang netizen na tumawag sa kanya ng copycat. Sa Instagram account na may pangalang sorot.netijen, isang collage ang binahagi nito kung saan suot ni Pia ang kanyang iconic blue gown noong kinoronahan siya.

Pia Wurtzbach, sinupalpal ang isang netizen na sinabihan siyang plastic
Pia Wurtzbach (Photo by Richard James Mendoza/NurPhoto)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lola na nakuhanan ng litrato sa ginawang pader ng BuCor, emosyonal na nagkwento

Katabi nito ay ang American actress na si Keke Palmer na nakasuot din ng blue na gown na halos magkaparehas ng design. Kuha umano ang piture na ito ng America acress sa Emmy's noong 2014.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinawag din nitong copycat si Pia. Gayunpamn, kung pagmamasdang maigi, magkaiba ng detalye ang dalawang gown dahil plain na blue lamang ang nasa likod ng gown ni Palmer samantalang tadtad ng beads ang likod ng gown ni Pia.

Kapansin pansin na halos nasa salitang Indonesian ang mga pambbatikos kay Pia. Gayunpaman, imbes na magalit, simple lamang ang sagot ni Pia. Isang emoji na kumikindat. Ginamit din niya ang mga hashtags na #Winner #Philippines at #Powerhouse.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015.

Read also

Kiray Celis, naantig sa pagsusumikap ng isang delivery rider

Matatandaang naging usap-usapan ang paglabas ng saloobin ng kanyang kapatid na si Sarah. Tinawag pa nitong Hudas ang ina sa isa sa mga social media posts niya.

Maging ang kasalukuyang boyfriend umano ni Pia na si Jeremy Jauncey ay lumapit sa kanya upang humingi ng tulong matapos magkaroon ng problema sa isa sa kanilang kliyente dahil umano sa ina nilang si Cheryl Tyndall.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel