Lola na nakuhanan ng litrato sa ginawang pader ng BuCor, emosyonal na nagkwento

Lola na nakuhanan ng litrato sa ginawang pader ng BuCor, emosyonal na nagkwento

- Naging emosyonal ang lolang nakilala sa pangalang Juville Bartolo habang nagku-kwento tungkol sa araw kung kailan nakuhanan siya ng litrato sa pader na tinayo ng BuCor

- Aniya, nakiusap siya sa nakabantay na sundalo kung maari siyang padaanin dahil bibili siya ng gamot para sa asawang may sakit

- Hindi umano siya pinayagang dumaan doon kahit nakita umano ni lola na may naglalakad naman sa gilid ng daan

- Sa kasamaang palad, pumanaw na ang kanyang asawa at pinoproblema ng kanilang pamilya ang gastusin para maipalibing ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento sa likod ng viral ng litrato ng isang lola na nakuhanang nakatayo sa pader na ginawa ng BuCor sa acces road ng mga taga NHA-Southville 3 Muntinlupa.

Kwento niya sa panayam sa kanya ng Muntinlupa News Express, nakiusap umano siya sa nakabantay doon sa pader kung maaari siyang padaanin at lalakarin niya na lamang papuntang bayan para makabili ng gamot para sa kanyang asawang may sakit.

Read also

Asawa ng nag-viral na lola na nakikiusap na makadaan sa pader ng BuCor, pumanaw na

Lola na pakuhanan ng litrato sa ginawang pader, emosyonal na nagkwento
Photo from Muntinlupa News Express
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento niya, naglalabada siya para kumita at iyon sana ang kanyang pakay ng araw na iyon. Habang nagkukuwento ay hindi napigilang maiyak ni lola Juville Bartolo.

Matapos ibahagi ng Muntinlupa News Express ang kwento niya, bumuhos ang tulong para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Unang nag-viral ang litrato ni lola Juville Bartolo na kuha sa pader na pinatayo ng BuCor sa acces road ng mga taga NHA-Southville 3 Muntinlupa. Pansamantala lang umano itong isasara kasama ng iba pang routa bilang pag-iingat sa COVID-19 at sa isyung panseguridad. Gayunpaman, walang ibinigay na petsa kung hanggang kailan ang pagsara.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Toni Fowler at Rob Moya, posibleng magharap sa "Raffy Tulfo in Action"

Ang pagpapatupad ng mga lockdown sa iba't-ibang lugar sa bansa ay isinagawa upang maiwasan ang lalong pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Kasalukuyang sinasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila. Matatandaang noong Marso 15, 2020 unang sumailalim sa lockdown ang NCR.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate