Mister na kinarir ang pamimili ng make-up para sa misis, kinagiliwan ng netizens

Mister na kinarir ang pamimili ng make-up para sa misis, kinagiliwan ng netizens

- Nag-viral ang post ng isang netizen tungkol sa isang mister na nakita niyang ipinamimili ng make-up ang kanyang misis

- Napansin nitong ilang piraso ng foundation ang hawak ng lalaki na kinukunan ng larawan

- Hindi raw kasi nito malamang kung ano ang babagay para sa kanyang misis

- Natuwa ang mga netizens at napa-sana all ang ilang netizens dahil bibihira raw ang lalaki na magtitiyagang maghanap ng make-up para sa kanilang mga misis o nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang isang mister matapos na ipamili nito ng make-up foundation ang kanyang misis.

Nalaman ng KAMI na kinukunan ng picture ng lalaki ang ilang piraso ng foundation dahil hindi raw niya malaman ang tamang kulay para sa kanyang misis.

Kwento pa ng uploader na si Mary Angela, Naganap ito sa Gaisano Grand Citygate Mall sa Buhangin, Davao City noong Huwebes, Marso 4.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Mister na kinarir ang pamimili ng make-up para sa misis, kinagiliwan ng netizens
Photo credit: Mary Angela
Source: Facebook

Nagkaroon kasi ng sale ang Ever Bilena at Careline products sa lugar kaya naman marami ang dumagsa sa bagsak presyo nitong Php38 sa karamihan ng kanilang produkto.

At isa na rito ang mister na tila nahihiya pa raw na magtanong lalo na at karamihan ng namimili ay mga babae.

Hanggang sa nilapitan na ito ng isang saleslady at tinanong kung ano ang kailangan nito.

Doon niya sinabing tila naguugluhan siya kung anong babagay na kulay ng foundation sa misis kaya mainam na kunan niya ito ng larawan at itanong sa asawa kung ano ang nais nito.

Dahil dito, marami ang humanga sa mister dahil bibihira na raw ngayon sa lalaki ang may tiyaga na maghanap at mamili ng make-up para sa kanilang misis o nobya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

"Ang sweet naman ni Kuya, siya pa talaga ang nakigulo sa sale para sa kanyang misis"
"Sana all ng mister ganyan katiyaga. Naku for sure, todo lambing si misis sa'yo"
"Happy wife, happy life daw kasi kaya naman todo support ang mister na ito sa kanyang wifey"
"Wow! Supportive mister. Sana all may tiyaga na ipamili ang asawa nila"
"Swerte naman ni misis, hindi lang siya binigyan ng pambili, si mister na mismo ang bumili!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Masasabing masuwerte nga talaga ang misis ng mister na ito sa viral video dahil hindi ito katulad ng naibahagi kamakailan ng KAMI kung saan inireklamo pa ng asawa ang misis na OFW na kulang ang sustento.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng tips ng netizens paano mahuhuli ang nagnakaw sa kanyang resto

Mapalad din ang misis na matapos na ireklamo kay Raffy Tulfo ay nagawa pa ring tanggapin ng lalaking makailang beses na niyang niloko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel