Madre na pumagitna sa gulo ng mga pulis at sibilyan, labis na hinangaan

Madre na pumagitna sa gulo ng mga pulis at sibilyan, labis na hinangaan

- Viral ngayon ang larawan ng madre na si Sister Ann Nu Thawng ng Myanmar na pumagitna sa gulo ng pulis at sibilyan ng kanilang bansa

- Lakas loob na humarang ang madre at nakiusap na itigil na ang putukan na nagiging dahilan ng pagkakadamay ng mga inosenteng buhay

- Kahit pa nasaktan na ang madre dahil sa kaguluhang nagaganap, lumuhod at nagmakaawa pa rin ito

- Dahil sa kanyang ginawa, mahigit 100 ang mga nailigtas na mga sibilyan na hawak umano ng pulisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang larawan ng madre na si Sister Ann Nu Thawng ng Myanmar kung saan makikita ang kanyang katapangan at talagang pumagitna sa gulo sa pagitan ng mga pulis at sibiyan.

Ayon sa post ng Facebook page na Kuya CPD, nakiusap noon si Sister Ann na itigil ang pagpapaputok ng baril ng mga umano'y mga pulis sa mga sibilyang humihingi lamang ng respeto sa kanilang karapatan.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Madre na pumagitna sa gulo ng mga pulis at sibilyan, labis na hinangaan
Sister Ann Nu Thawng (Photo credit: Kuya CPD)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may dinaramdam pa raw noon ang madre dahil natamaan na umano ito ng bato sa dibdib na galing sa mga pulis dahil sa kaguluhan.

"Sa kabila ng dinaramdam ni Sister Ann Nu Thawng ng mga oras na iyon matapos itong tamaan ng bato sa dibdib mula sa grupo ng mga pulis, hindi nagpatinag ang madre at sa halip lumuhod ito sa gitna at nagmamakaawa"

Subalit wala pa ring nakapigil sa madre at lakas loob pa rin itong humarang at lumuhod sa pagitan ng mga nagpo-protesta at mga pulis para lang makiusap.

Dahil sa ginawa ni Sister Ann na bahagyang sinunod ng mga pulis, nailigtas ang mahigit 100 buhay ng mga sisbilyan.

"Nailigtas ng nasabing madre ang mahigit sa 100 sibilyan mula sa kamay ng mga pulis, sa kasulukuyan umakyat na sa 18 ang napatay ng mga militar at pulis."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas, isa sa mga pinakatutukang insidente kamakailan ay ang naging engkwentro sa pagitan ng mga pulis at miyembro umano ng PDEA.

Umabit din umano sa 4 ang nasawi sa naturang kaguluhang ito sa labas ng Ever Gotesco Mall kung saan naipit din ang ilang mga sibilyan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica