Liham ng Pinoy sa misis na pumanaw dahil sa COVID-19, naitampok sa "The New York Times"
- Naitampok sa "The New York Times" ang kwento ng pag-ibig ng Pinoy na si Sean Luke Dado at kanyang yumaong misis na si Hazel
- Ang buong pamilya ni Dado ay tinamaan ng COVID-19 ngunit tanging ang kanyang misis ang pumanaw
- Dahil dito, patuloy pa rin niyang pinadadalhan ng liham ang misis sa messenger o sa social media accounts nito
- Ibinahagi niya ito bilang pasasalamat sa misis sa 30 taong nakapiling niya ito at bilang paalala na rin sa publiko ng maaring epekto ng COVID-19 sa isang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naitampok at nailathala sa prestihiyosong pahayagan ang kwento ng pag-ibig ng kababayan nating si Sean Luke Dado at ng yumao niyang misis na si Hazel.
Nalaman ng KAMI na ang buong pamilya ni Sean kabilang ang dalawang mga anak, apo at ang misis niya ay tinamaan ng COVID-19.
Lahat sila ay nakaligtas sa virus maliban kay Hazel na binawian ng buhay makalipas ang 13 araw na pakikipaglaban sa nasabing virus.
Ayon sa panayam ni Oscar Oida ng GMA News kay Sean, aminado itong hirap siyang tanggapin na pumanaw na ang misis na nakasama niya sa 30 taon.
"I was so desperate, I wanted to find a way to communicate with her, seeking guidance. And then they were saying talk to her aloud, she can hear you. But when I tried to do that parang I she couldn't, parang I was talking to an empty room"
Kaya naman naisipan ni Sean na sulatan ang misis sa kanyang messenger at sa iba pang social media acounts nito.
Sa ganitong paraan, mas nailalabas niya ang saloobin sa biglaang pagpanaw ng kanyang misis.
At doon mula ang "Now I Know Why" na nailathala sa online at maging sa print version ng 'The New York Times' sa bahagi nitong 'Tiny Love Stories.'
Isa itong napakagandang liham kung saan sa umpisa'y nagtataka si Sean sa maagang pagkakakilala nila ni Hazel at maaga ring pagpapakasal.
Kung tutuusin maaga rin silang nabiyayaan ng anak at ng isang apo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
At sa maagang pagpanaw ng misis, doon niya umano napagtanto na kaya nangyari agad ang lahat nang ito dahil tila hindi sila itinadhana na magkasama hanggang sa kanilang pagtanda.
"Then when Hazel passed away at 50 from coronavirus, I finally realized why we married so young: We weren't meant to grow old together, and I am grateful for our time," bahagi ng liham ni Sean para kay Hazel.
Ibinahagi umano ito ni Sean bilang pagpapasalamat kay Hazel at pagbibigay pugay sa pinakamamahal niyang asawa.
Magsilbi rin daw sana itong paalala sa publiko ng maaring maging epekto ng COVID-19 sa isang pamilya.
Sa ngayon, patuloy pa ring hinaharap ni Sean ang araw-araw na wala na sa piling niya si Hazel para na rin sa mga kanilang mga anak at apo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sadyang maraming hindi magagandang bagay ang naidulot ng COVID-19 lalo na sa mga pamilyang tinamaan nito.
Kamakailan, isang mag-asawang nagsasama sa loob ng 77 na taon ang halos sabay na pumanaw sa nakamamatay na virus.
Hindi rin ito nalalayo sa mag-asawang ilang oras lang din ang pagitan nang sumakabilang buhay din dahil sa COVID-19.
Maging tanda ito sa atin na sana'y ipagpatuloy pa rin ang pag-iingat sa virus. Maraming buhay na ang nawala at maraming mga sandali ang nanakaw ng mabangis na virus na ito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh