Disinfection drone ng Pasig City, napagkamalang UFO ng kanilang mga residente

Disinfection drone ng Pasig City, napagkamalang UFO ng kanilang mga residente

- Inakala ng mga residente ng Pasig City na nakakita na sila ng isang unidentified flying object

- Isang gabi kasi, namataan sa himpapawid ang bilog na umiilaw na maraming kulay na tila lumilipad

- Subalit napag-alaman nilang ito pala ang disinfection drone na umiikot sa buong lungsod

- Ang isang bahay pa nga ng residente ang nagsilbing lugar ng take-off ng drones na isa sa proyekto ng Pasig kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabulabog ang Pasig City nang mamataan ng ilan sa kanilang residente sa San Rafael ang inakala ng mga ito ng unidentified flying object o UFO.

Nalaman ng KAMI na may mga residente na nakakuha pa umano ng video habang aktwal na lumilipad ang sinasabi nilang UFO.

Sa panayam ng Brigada ng GMA Public Affairs kay Beverlee Mazo, ang isa sa mga residenteng nakakita, sinabi nitong dali-dali niyang kinuha ang cellphone nang makita ang "UFO" na lumilipad sa himpapawid.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

Disinfection drone ng Pasig City, napagkamalang UFO ng kanilang mga residente
Disinfection drone ng Pasig City Photo from Darwin Dublin
Source: UGC

"Sumilip ako sabi ko parang may bilog na ilaw na umiikot tapos may bumabagsak na parang usok. Tapos kinuha ko agad iyong cellphone, vinideo ko siya, sabi ko hala! May UFO na yata" kwento ni Beverlee.

Maging sa ibang barangay, nakita rin daw ang paglipad ng pinaniniwalaan nilang UFO sa kanilang lugar.

Makulay nga ito at nagbubuga ng usok at tubig tulad ng paglalarawan ni Beverlee.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang ilan, aminadong napalabas pa sila para lang makita ang hindi nila maipaliwanag na tila lulipad sa kalangitan.

Subalit, napag-alaman nila na hindi UFO ang kanilang nakikita na paikot-ikot sa lugar kundi ang disinfection drone na proyekto ng kanilang lokal na pamahalaan kontra COVID-19.

Katunayan, roof top ng isa sa mga residente ang nagsilbing lugar kung saan nag-take off ang naturang drone.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Basel Manadil, binigyan ng tips ng netizens paano mahuhuli ang nagnakaw sa kanyang resto

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan isang TikTok video naman ang nag-viral dahil sa kakaibang anino na nakunan umano ng video. Naitampok ito sa programa ni Jessica Soho kung saan ipinasuri pa ang naturang video kay Jay Costura.

Marami-rami na ring mga kakaibang istorya ang naitampok sa programang KMJS kung saan nakahahanap sila ng kasagutan sa umano'y mga kababalaghang nangyayari tulad na lamang ng inakalang UFO na drone lamang pala.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica