74-anyos na fish vendor, dinagsa ng tulong matapos mag-viral
- Matapos mag-viral ang isang 74-anyos na fish vendor sa Makati, nakatanggap ito ng tulong
- Isang nagmalasakit na netizen ang kumuha ng kanyang larawan sa kanyang paglalako ng isda araw-araw
- Isang grupo ang nakapansin sa post at nagdala ng tulong sa lolo na maari naman din daw niyang mailako
- Humiling na rin ito na siyang mapagupitan ngunit labis-labis na raw ang biyaya niyang natanggap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kamakailan, ay nag-viral ang post tungkol sa 74-anyos na fish vendor sa Barangay West Rembo sa Makati na si Tatay Rodrigo.
Nalaman ng KAMI na nakunan ng larawan ni David Drahc si ang fish vendor habang sakay ito ng kanyang bisikleta para maglako ng isda.
"Sa taga West Rembo every morning si tatay naglalako ng isda gamit niya bike... Sana diyan na kayo bumili. Senior citizen na po siya saka medyo less yung presyo niya," ang caption ni David sa kanyang viral post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
At dahil marami ang nakapansin ng post, may mga nagpaabot ng tulong kay Tatay Rodrigo.
Isa na rito ang grupong 'Quarantine Tribute Tips' na nagdala mismo ng tulong sa fish vendor noong Marso 3.
Sa panayam ng Inquirer sa kinatawan ng grupo na si Ayla Conda, nasabi nitong malaking tulong ang kanilang naibahagi kay Tatay Rodrigo.
Sa dami ng kanyang mga natanggap, ititinda nalang daw ni Tatay Rodrigo ang iba upang mayroong siyang karagdagang kita bukod sa paglalako ng isda.
"Sinamahan din namin siya magpagupit, 'yun na lang daw request niya kasi sobra-sobra na raw po bigay namin," dagdag pa ni Ayla.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, isa namang rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite ang natulungan matapos na mag-viral ang post tungkol sa kanya.
Bukod sa bagong bisikleta at tulong pinansyal na naipaabot sa kanya ng mga nagmalasakit at humanga sa kanya, nabigyan din siya ng trabaho ng vlogger na si Basel Manadil.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ganoon din ang isang taho vendor na pinagmalasakitan ng isang netizen na ihingi ng tulong kay Raffy Tulfo dahil bitbit nito ang kanyang anak habang naglalako.
Nabigyan din ito ng tulong ni Tulfo na magkaroon ng sariling food cart upang hindi na mahirapan sa pagbitbit ng anak habang nagha-hanapbuhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh