Delivery rider, inireklamo ang umano'y gumagamit ng kanyang video para sa scam

Delivery rider, inireklamo ang umano'y gumagamit ng kanyang video para sa scam

- Inireklamo na ng delivery rider ang gumagamit umano ng kanyang video para makapang-scam

- November 2020 pa umano ang video niya kung saan makikitang matagumpay ang transaksyon ng kanyang delivery ng laptop

- Subalit makailang beses na umano itong nagagamit sa ibang mga orders para makapanloko ng ibang mga customer at mapapaniwala silang legit ang kanilang transaksyon

- Iniimbestigahan na ng NBI ang nasa likod nito lalo na at wala umanong kinalaman ang rider na nasa video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumakalat ngayon ang video ng nagpakilalang Lalamove rider na si Lucky Agustin kung saan nagagamit daw umano ito sa panloloko ng mga scammer.

Nalaman ng KAMI na video ni Agustin ay kuha noong Nobyembre 2020 pa ngunit makailang beses nang nagagamit upang makapanloko ng mga nagkukunwaring online seller ng laptop.

Ibinahagi muli ng GMA News at Sumbungan ng Bayan ang video kung saan makikita na may hawak na laptop si Agustin na kanya pang binuksan bago mai-deliver sa customer na umorder nito.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

Delivery rider, inireklamo ang umano'y gumagamit ng kanyang video para sa scam
Photo credit: Lucky Agustin
Source: Facebook

Ayon sa ilang nabiktima, ipinadadala ang naturang video bilang pruweba na ipadadala na ang order na laptop na nagkakahalaga ng nasa PHP5,000 hanggang PHP7,000.

Kapag naipadala na umano ang video, sasabihin ng nagkukunwaring seller na maari nang ipadala ang bayad sa pamamagitan ng online banking or money transfer application tulad ng Gcash.

Ang masaklap, naniniwala naman ang customer na "on the way" na ang kanilang order kaya naman naipadala na nila ang bayad bago pa man makarating ang laptop. Ngunit walang laptop na nai-deliver.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Paglilinaw ni Agustin, wala umano siyang kinalaman sa transaksyon na ito at siya umano ay biktima rin.

May ilan kasing nagsasabi na maaring kasabwat umano si Agustin bilang ang kanyang video ang nagagamit.

Kasama ng ilang lumantad na nabiktima ng naturang scam, pormal nang naghain ng reklamo si Agustin sa NBI.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa panahon ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya, madalas pa rin nating piliin ang delivery option at mga online transactions.

Subalit mas maging mabusisi lalo na at dumarami na rin ang mga modus kaugnay ng mga ganitong uri ng transaksyon.

Tulad na lamang ng naibahagi ng isang netizen na muntik nang mabiktima ng fake delivery mula rin umano sa scammer na tila nanunubok lamang kung babayaran nga ba o tatanggapin ng kanilang dadalhan ng item kahit hindi naman talaga ito nag-order.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica