Mister na nasa video call at tinangkang halikan ng misis, kinagiliwan sa Twitter

Mister na nasa video call at tinangkang halikan ng misis, kinagiliwan sa Twitter

- Viral ngayon ang video ng isang lalaki na nasa video conference nang biglang tangkain ng kanyang misis na siya ay halikan

- Marahil, hindi alam ng misis na hindi lamang audio kundi video conference ang ginagawa ng kanyang mister

- Naaliw naman ang mga netizens at marami ang nagkomento na "cute" at "sweet" ang naturang video

- Isa lamang ito sa maraming kaganapan sa mga video call o video conferencing na madalas na gamitin ngayong pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online particular na sa Twitter ang short clip ng isang mister na nasa video conference nang biglang tangkain itong halikan ng kanyang misis.

Nalaman ng KAMI na mabilis na kumalat ng viral video dahil sa marami ang naaliw sa ginawa ng misis na tila naglalambing lang naman umano sa kanyang mister.

Read also

Netizen, naalarma sa modus ng 'riding in tandem' na mabilis manguha ng CP

Ibinahagi ng businessman na si Harsh Goenka ang video noong Pebrero 19 at may caption itong "Zoom call... so funny."

Mister na nasa video call at tinangkang halikan ng misis, kinagiliwan ng netizens
Photo credit: Screengrab from Harsh Goenka
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Makikita kasing busy sa video conference ang mister na siya pa mismo ang nagsasalita nang bigla na lamang sumulpot ang kanyang misis.

Kitang-kita na yumuko ito para sana halikan ang mister na madali namang naka-iwas dahil naka-video call umano ito.

Kinastigo pa niya ang misis na tila hindi napansin na naka-video ang asawa kaya naman nagawa umano niya ang paglalambing.

Dahil dito, maraming netizens ang nagsabi na "cute" at "sweet and funny" daw ang video na ito na isa lamang sa maraming kaganapan sa mga video conferencing na madalas na gamitin ngayong panahon ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nag-viral ang isang abogado dahil sa cat filter niya habang nasa Zoom hearing sila. May katagalan bago naalis ang filter kaya naman tila pusa ang kausap ng iba niyang mga kapulong.

Hindi rin nalalayo rito ang nangyari sa isang congressman na "nakabaliktad" ang screen habang siya ay nasa isa ring video conferencing. Ilang saglit lamang ay naibalik sa tamang ayos ang kanyang screen.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel